CHAPTER 9

609 24 2
                                    

~~~

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Ella sa akin at tumango ako.

Tinignan ko ang mga damit ko dito sa closet at napangiti ako ng maliit. Halos lahat puro itim. Ito na talaga yung wardrobe ko. Ito talaga ang laman ng closet ko. Binuksan ko ang isang cabinet at kinuha ko ang baril ko doon.

"Besh yung strawberry cake ko ha bigay mo yon sa akin ha." Sabi ko habang palapit ako kay Ella na nakahiga na sa kama ko. Natatawa pa ako sa kanya dahil nung nakita niya yung hawak kong baril parang natakot pa siya.

"Pota naman ilayo mo nga yan sa akin baka mamaya maputok mo yan Alyssa ha." Humalakhak ako at binato ko yon sa kama tapos napatalon talaga si Ella.

"Bwiset ka kumalma ka nga dyan para kang tanga. Di yan puputok besh." Sabi ko at inirapan ako ni Ella.

"Tang ina ilayo mo na yan ngayon na. Bilisan mo besh!!" Sabi niya pero dahil gaga ako binagalan ko pa yon kung hindi niya pa ako inambaan na babatuhin niya ako ng unan hindi ko pa siya titigilan na asarin pa.

Nilagay ko yung baril ko sa bag ko at nahiga ako sa tabi niya nakangiti pa ako at nung tignan ko si Ella tinaasan niya ako ng kilay bigla. Bwiset talaga tong babae na to.

"Hoy! May iba sayo." Sabi niya.

See? I can feel it nararamdaman niya talaga. I'm surprised nga na ngayon niya lang ako tinanong niyan. Medyo bumabagal na yata ang radar ni Ella ah. Napangiti tuloy ako tinapik ako ni Ella sa balikat.

"What?" Tanong ko at tumawa pa ako para naman mawala ang awkwardness.

"Hoy! Seryoso ako gago ka! Ano ngang meron ha besh?! Nung nakaraan ko pa to napansin eh sabi ko parang may iba sayo pero dahil busy ka sa exam mo at sa hospital hindi na lang kita tinanong pero dahil tapos na ang exam mo ito na to besh. Ito na ang chance kong guluhin ang mundo mo." Sabi niya at talagang tumawa pa si Ella. Gagang to!

Yes. Natapos na yung exam namin kanina ni Gretchen. Sa totoo lang kabado ako pero may tiwala naman ako sa sarili ko pero syempre kabado pa rin ako. Sana makapasa ako pangarap ko to eh. Sana makapasa kami ni Gretchen alam ko ang hirap niya dito parehas namin tong pangarap. Pero sa totoo lang hindi ko talaga alam ang susunod kong gagawin kung makakapasa man ako.

"Hoy mare ano na?!" Sigaw niya at hinampas ako ng unan.

"Ang sakit naman eh!" Sabi ko at tumawa ako. Si Ella ang pinakabestfriend ko sa lahat matagal na kaming magkaibigan nito kaya naman amoy na amoy namin ang isa't-isa lalo na kapag may sikreto ang isa alam kaagad namin. Hindi ko alam kung paano pero may ganon talaga kami madalas.

"Besh ano nga?! May nagpapasaya na sayo?" Lumingon muna ako sa pinto at bumuntong hininga ako. "Oh my gosh meron nga?! Sino?!"

"Shhh baka marinig ka nila Bea." Sabi ko at umupo na siya sa kama at niyugyog ako. "Aray!" Sabi ko dahil bumabaon na yung kuko niya sa braso ko.

"Ay sorry naman naexcite lang ngayon ka lang lalandi eh. Ano na besh spill it na." Sabi niya kaya umirap ako.

"Bwiset ka!"

"Tigilan mo ako sa mga pasakalye mo Alyssa Valdez! Sino na nga ang lalaking malas ha?!"

"Ang kapal ng mukha mo Jorella! Hindi na siya lugi sa akin no!" Sabi ko at nagtawanan na naman kaming dalawa.

"So sino na nga mare?!"

"Hindi mo siya kilala. Pasyente siya sa hospital nun besh tapos ayon doon kami nagkakilala."

"Ayan yang mga pasyente na yan besh eh dyan talaga nagsisimula ang lahat eh. Marunong ka palang lumandi ah malandi ka Alyssa!!" Sabi niya at kinurot pa ako.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon