CHAPTER 23

536 21 2
                                    

~~~

Tahimik ako habang nasa loob kami ng sasakyan ni Kiefer papunta sa restaurant na sinabi ko sa kanya. Ang dami kong iniisip ngayon. Malaki ang tiwala ko kay Kiefer pero ngayon medyo nagdududa ako sa sinabi niya sa akin doon sa balikat niya.

Lalo na at alam ko pang sa tama rin sa balikat yung nakasagupa ng grupo namin. Napatingin ako sa balikat niya at hindi ko maiwasan na titigan iyon ng mariin. Anong tinatago mo sa akin Kiefer? Bakit mo tinatago sa akin na tama ng baril yan?!

"Babe?"

Bigla kong inangat ang paningin ko sa mukha niya at naabutan kong nakatingin din siya sa akin.

"Huh?"

"Anong problema babe?" Tanong niya at umiling ako.

"Ha? Ah kasi naiisip ko lang yung balikat mo. Naiisip ko lang yung gagawin ko kay Luigi kapag nagkita kami dahil dyan sa ginawa niya sayo." Sabi ko at tumawa ng malakas si Kiefer.

"Wait babe tawagan ko yung gago na yon." Sabi niya at nung sumagot na si Luigi nilagay ni Kiefer yon sa speaker phone.

"Oy! Tol bakit? Papainom ka ba?"

"Someone wants to talk to you." Sabi niya at napangiti ako.

"Parang gusto kitang injectionan ngayon sa balikat rin Luigi para naman maramdaman mo rin yung sakit na pinaramdam mo sa boyfriend ko." Sabi ko at nagtawanan kaming tatlo.

"Tang ina mo Kief! Ly ginantihan din naman ako niyang jowa mo. Masakit rin yung balikat ko dahil sa ginawa niya sa akin."

"Boo loser! Wala kasing girlfriend na mag-aalaga sayo." Sabi ni Kiefer kaya napailing ako. Hinampas ko sa braso at tumawa lang si Kiefer.

"Fuck you Ravena. Ang yabang mo talaga. Ly ako rin injured din ako baka naman may mairereto ka sa akin na Doctor din dyan para naman may mag-alaga rin sa akin." Sabi niya at tumawa ako.

"Di ka pupwede sa mga yon. Bawal ang playboy sa mga doctora ulol." Si Kiefer ulit. Ang kulit nitong lalaki na to talaga.

"Ang yabang mo talagang upulong ka. Ly bakit mo ba kasi sinagot yang lalaki na yan ha nako Gago rin yan si Kief maniwala ka sa akin."

"Ulol! Tumahimik ka dyan Luigi."

"Teka lang naiiba na yung usapan eh. Humanda ka sa akin kapag nagkita talaga tayo Luigi. Bakit mo naman sinaktan tong si Kiefer ha? Dapat sinagad mo na eh mukhang masyado pang mahina." Tumawa kami ni Luigi at sumimangot naman si Kiefer kaya natawa na namam ako. Ang arte!

"Nauna lang yan si Luigi kaya napuruhan niya ako. Sa susunod na sparring session sa camp babawi talaga ako sayong gago ka." Sabi ni Kiefer. "Sige na bye may date pa ako kasi may girlfriend ako ikaw wala kawawa ka naman." Sabi niya pa kaya naman kinurot ko na naman siya sa braso niya.

"Bwiset ka. Sige na ingat kayo." Pinatay na rin ni Kiefer ang phone niya.

"Baliw ka! Kawawa si Luigi sayo." Sabi ko at umiling lang siya.

"Okay lang babe sanay na kami ni Luigi sa isa't-isa." Sabi niya.

Tumingin ako sa labas ng sasakyan at nahulog na naman ako sa isang malalim na pag-iisip. Parang totoong totoo... Parang totoo talagang dahil sa sparring nila ni Luigi kaya siya nagkaroon ng ganon sa balikat niya. Hindi ko na tuloy alam kung anong papaniwalaan ko ngayon. Hindi ko na alam kung nagsasabi pa ba ng totoo si Kiefer. Kanina habang kausap namin si Luigi hindi ko maiwasan na maniwala sa kanila. Mukha talagang totoong totoo yung mga sinasabi nila.

Pinikit ko ang mata ko at naramdaman ko ang paghawak ni Kiefer sa kamay ko.

"Dito na tayo babe." Sabi niya pa kaya naman umayos na ako ng upo ko at nagpark na nga si Kiefer ngayon ng sasakyan. Kailangan ko munang alisin yon sa isip ko gusto ko muna ngayon mawala ang mga alalahanin ko.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon