CHAPTER 12

611 29 3
                                    

~~~

Nakatulala lang ako dito sa waiting area at pinipigilan kong mapaiyak dito. Nakakahiya naman. Kahit na konti lang yung tao hindi ako pwedeng umiyak dito gagawa pa ko ng eksena. Mamaya na lang sa loob ng eroplano.

Nung tinawag na yung flight ko tumayo na ako at kinuha ko na yung bags ko. Aalis na talaga ako at sana sa pagbalik ko hindi na muna kami magkita ulit ni Kiefer. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sa pagkakataon na to.

Alam ko magagalit siya. Baka nga kung ano pang mga marinig ko sa kanya pero ayos lang iintindihin ko siya kasi alam ko naman na kasalanan ko talaga yon.

Nung nakita ko na ang upuan ko naupo na ako doon kaagad at pinikit ko ang mata ko.

Sa Spain ako papunta ngayon. Katulad ng nauna naming plano nila Jia at Bea, nagbago lang mauuna akong dumating dahil nga tatakasan ko si Kiefer. Gumawa na lang kami ng mga alibi ni Jia para hindi magtaka si Bea. Tapos si Jia na ang susunod and then si Bea baka mahuli na siya kasi may mga meetings pa siya na hindi niya pwedeng iwanan. Baka nga hindi na siya makasunod pa dahil babalik naman ako sa hospital. Pero hindi pa rin ako sigurado doon dahil nga yung agency gusto na kaming maging full time sa camp.

Nagsimula na ang biyahe kaya naman pinikit ko na ang mata ko at nagpasya na matulog na pero hindi naman ako makatulog. Kaya nagpasya na lang akong manuod ng movie pero wala naman akong naintindihan at parang gusto ko na lang patayin yon.

Si Kiefer ang nasa isip ko. Sigurado ako ngayon gising na yon. At sigurado rin akong galit na siya sa akin lalo na at hindi na niya ako macontact. Nag-iwan lang ako ng note sa kanya na gusto ko na tong tapusin at hindi ko lang magawa ng harapan dahil naduduwag ako.

Sana lang tanggapin na ni Kiefer yung dahilan ko na yon kasi wala na akong maisip na iba. Ilang araw kong plinano kung paano ako makikipaghiwalay sa kanya pero sa huli hindi ko magawa kaya ito na lang yung naisip kong paraan. Aaminin ko duwag ako hindi ko kayang makipaghiwalay ng harapan kay Kiefer natatakot ako na hindi ko magawa.

Sa maikling panahon na yon natutunan ko siyang mahalin. Sa maikling panahon na yon pinaramdam niya sa kin ang kakaibang saya. Ang saya na siya lang ang nakapagbigay sa akin. At nararamdaman kong wala ng hihigit pa doon.

Nakatulog din naman ako pero sobrang tagal siguro kung hindi lang ako puyat at pagod baka gising ako buong biyahe pero dahil di naman ako nakatulog ng maayos kagabi dinalaw din ako ng antok at pagod.

Ang sumunod na gising ko malapit na kaming magland sa Barcelona. Sinilip ko ang bintana at napangiti ako. Ang ganda kahit na hindi ko pa siya kitang kita nagagandahan na ako. Mukhang magugustuhan ko dito ah.

At tama nga ako. Pagkalabas ko ng airport mas lalong lumaki ang ngiti ko.

"Wow! Sobrang ganda naman dito." Nasabi ko na lang at may sumundo sa akin para ihatid ako sa hotel namin.

"Buenos días!" Bati sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya.

"Buenos días!" Sabi ko at tinuro na niya yung sasakyan.

"Bienvenida a españa, Madam." Sabi niya.

Shit! English only please. Alam ko yon welcome to spain kasi nagsearch ako kanina habang nasa eroplano ako. Baka kasi mamaya maging bobo ako dito mahirap na no mamaya baka mapagtripan pa ako.

"Ah! Gracias."

Syempre lalaban tayo kahit na konting spanish words lang alam natin.

"You speak Spanish?"

"Ah no no." Sabi ko at umiling siya tumango siya at pinagbuksan na ako ng pinto sa sasakyan.

Mabilis lang din naman yung biyahe papunta sa hotel. At nung pagkakita ko sa hotel namin hindi ko na naman maiwasan na mamangha. Sobrang ganda pala nito. Grabe naman si Madam mukhang pinaghandaan talaga to di ko tuloy alam baka mamaya may kapalit pala tong bakasyon na to. Malamang mahirap na naman ang ipapagawa niya sa susunod.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon