CHAPTER 8

640 23 2
                                    

~~~

Nakailang palit na ako ng damit ko dito at ang gulo gulo na rin ng buong kwarto ko. Halos wala ng maupuan sa kama dahil doon ko tinatambak yung mga damit na hindi ko napiling suotin ngayon. 

"Shit! Di to bagay eh." Sabi ko at hinagis yung isang dress sa kama ko. Tapos kumuha ako ulit ng bago pero hindi ko pa rin yong nagustuhan.

Dapat siguro ang isa kong gawin kapag may free time ako ang pagbili ng mga bagong damit ko. Halos lahat kasi dito ginagamit ko kapag may misyon kami kaya mas madalas mga kulay itim ang nandito. Dapat may mga damit ako na magagamit ko kapag nagyaya ulit si Kiefer ng date.

"Ly! Whooa what happened here?" Si Justine at sumimangot lang ako sa kanya kaya tumawa siya. "Ano ba yan bakit mo kinalat ang mga damit mo ha. Hoy! Alyssa wala tayong katulong kaya ikaw lang din ang magbabalik at mag-aayos ng mga yan sa cabinet mo so paano na yan mare ha?!" Sabi niya.

"Aayusin ko pero mamaya na lang paguwi ko." Sabi ko at tumango siya.

"Saan ba ang gala mo ha? At bakit parang problemado ka masyado dyan sa susuotin mo ha. This is not you mars." Tumigil ako at tinignan ko siya tinaasan ako ng kilay ni Justine tapos sinara niya yung pinto ng kwarto ko. "Spill it!"

"I have a date." Mabilisan kong sinabi yon at si Justine halatang nagulat sa sinabi ko dahil hindi pa siya nagrereact ngayon.

"With whom?"

"Kiefer." I whispered.

"Kiefer? Oh the guy outside. Oh magdedate kayo mare?!"

Nahihiya akong tumango sa kanya at bigla akong niyakap ni Justine at tumawa pa siya.

"My gosh I'm so happy for you mars! Nakakatuwa naman to! Maeexperience mo na. Tapos ang pogi pa ng date mo. Sagutin mo na yan ha." Napatigil ako dahil doon.

Sasabihin ko ba kay Justine o hindi? Nagkatitigan kaming dalawa at bigla siyang ngumisi.

"Oh my gosh kayo na?! Sinagot mo na?!"

Nahihiya akong tumango at tumili naman siya nang mahina. "Shhh baka marinig ka nila." Sabi ko.

"Sorry sorry masaya lang talaga ako for you mars! Bakit hindi mo pa dalhin dito at ipakilala mo na sa amin ha?!'

Nawala ang ngiti sa mukha ko. "Hindi pwede." Sabi ko at parang doon lang narealize ni Justine kung ano ang problema.

"Hindi pa rin ba pwede yung ganon?! I mean hindi naman siguro nila ineexpect na lahat kayo dyan eh hindi na makakapag-asawa wala na kayong karapatan magmahal at mahalin?! Para kasing ang unfair naman nun mare. Tinali na nila kayo dyan sa tungkulin niyo na yan. Hayaan mo sila alam ko naman na happy ka diba?" Tumango ako at napangiti na naman si Justine.

"Sobrang happy ako Jus! Di ko ineexpect na may tao akong makikilala na ganito yung papahalagahan ako at aalagaan ako."

"Aww mare! I'm so happy for you talaga! Sinasabi ko na eh talagang nung nakita ko kayo alam kong may iba na sa kanya. I need to meet him na mars para ma-interrogate na natin at masabihan naman ng mga dapat niyang gawin para mapasaya ka lalo."

Napangiti ako. "Napapasaya niya naman talaga ako mars. Nga pala tulungan mo naman ako please wala akong mapili kung anong gagamitin ko para mamaya eh. I want to look good later Jus! Please help me." Sabi ko at tumango siya tapos siya na ang lumapit sa closet ko. Narinig pa namin na nagpaalam na si Jia na aalis na siya kaya kami na lang nila Justine at Kyrie dito.

Hinayaan ko si Justine doon. Wala naman Talaga akong talent sa ganyan ganyan. Ayos na nga sa akin yung simpleng tshirt at pants kapag aalis ako dati.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon