CHAPTER 45

841 32 1
                                    

~~~

Patulog na sana ako nung bigla akong niyakap ni Kiefer at hinalikan pa ako sa balikat ko.

"Babe please let's sleep na maaga pa ako bukas. Maagang nagigising ang kambal ha maghahanap sila ng breakfast." Sabi ko at mas niyakap ko ang unan dito.

"Hmm... we can always order food babe." Sabi niya at pinaghahalikan ako sa likod, leeg at pisngi ko.

"Kief naman tulog na tayo.' Sabi ko at natawa siya.

"Pinatulog naman kita babe ah." Sabi niya kaya umirap ako. Nakakainis tong lalaki na to.

"Babe hayaan mong makatulog ako ng maayos please, Kiefer!" Sabi ko at natawa siya. Bigla niya akong binuhat at halos mapatili pa ako dahil doon.

"Shhh magigising mo ang kambal sa ginagawa mo babe eh." Sabi niya.

"Saan mo ako dadalhin ha?" Tanong ko at dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto namin. Sinilip namin ang kambal at parehas naman mahimbing ang tulog ng dalawa na yon.

Hinawakan ko siya lalo sa batok niya. "Bihisan mo ako hindi tayo pwedeng tumabi sa kanila na walang suot na damit." bulong ko kay Kiefer.

"Sino bang nagsabing matutulog na tayo babe ha?!" Tanong niya at naguluhan ako tapos kinurot ko siya at humagikhik siya ng mahina.

"Shhh stop that babe!" Binuksan niya ang pinto ng bathroom at nanlqki ang mga mata ko.

Oh shit!! Hindi pa talaga titigil tong lalaki na to. Sinasabi ko na nga ba eh. Nilapag niya ako sa bathtub doon at binuksan na niya yung tubig. Umiling ako sa kanya at hinalikan niya lang ako sa ilong ko.

"Promise ligo lang babe!" Sabi niya at ngumisi ako sa kanya.

"At sa tingin mo talaga maniniwala ako sayo ha?!" Tanong ko at tumawa siya.

"Kilala mo talaga ako no?" Umirap ako at sa huli ngumiti na lang ako sa kanya.

Sinandal ko ang ulo ko at naabutan ko si Kiefer na parang may hinahanap pa.

"Babe anong scent ang gusto mo? Marami pa dito oh." Sabi niya at nilakihan yung bukas nung cabinet para makita ko pa.

"Bahala ka na babe." Sabi ko at pinikit ko na ang mata ko. Nakakarelax grabe feeling ko pagod na pagod ako ngayon. Ito kasing lalaki na to eh.

"Babe look at me."

"Kiefer get in nakakainis ka." Sabi ko at tumawa siya. Umayos ako ng upo dahil alam kong sa likod ko siya mauupo at tama nga ako. Niyakap niya ako kaagad at hinalikan ako sa pisngi ko. Tumawa ako at kinurot ko siya. "Sinasabi ko na nga bang wala kang balak patulugin ako ngayong araw na to eh."

"Kaya nga kita pinaghahanda kanina pa sa biyahe natin babe dahil dito eh. Dapat alam mo na yan ah basta ako nakapaghanda ako ngayon kaya sigurado ako babe kayang kaya ko to."

"Hoy! Yung mga anak natin nasa labas lang kaya tigilan mo ako dyan ah. Tsaka diba ang dami mong pangako kay Silas na gagawin niyo ngayong activities ha. Kailangan na natin magpahinga Kiefer!"

"Tell me their complete names." Sabi niya at napangiti ako.

"Sebastian Isaac and Maria Amaltheia." Sabi ko at nararamdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Ang ganda ng mga pangalan nila babe. I'm so so proud of you." Sabi niya at napangiti ako.

"Matagal kong pinagisipan yon babe. Yung unang beses kong nakita si Silas nun ikaw kaagad ang nakita ko. Kamukhang kamukha mo siya kaya nga kinuha ko yung second name mo kasi para talaga akong nakatingin sa batang Kiefer. At habang lumalaki siya mas lalo mo siyang nagiging kahawig. Kahit si Amari ikaw rin ang kamukha." Humigpit ang yakap niya sa akin at hinalikan ako sa noo ko.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon