CHAPTER 5

647 25 2
                                    

~~~

"Hey!" Sabi niya at hinawakan ako sa mukha ko. "Natakot ba kita?" Tanong ni Kiefer at umiling ako kaagad.

"Hindi. Ahm ano." Wala akong maidugtong doon. Anong sasabihin ko?! Na oo natakot ako sa kanya pero bakit hindi niya tinuloy?!

At talagang gusto ko pang ituloy niya yon ah.

"Ly..."

"Ha?" Sabi ko at tinignan ko siya.

"You looked tensed. Sorry natakot yata talaga kita." Sabi niya at bumuntong hininga na ako.

"Hindi hindi..nagulat lang ako sayo pero hindi naman ako natakot." Sabi ko at tumango siya tapos ngumiti siya.

"Akala ko natakot na kita medyo kinabahan ako doon ah. Sorry kung masyado akong mabilis, Ly!" Hinawakan niya ang kamay ko at pinsiil yon. "Alam kong maaga pa pero sana payagan mo ako. Sana pumayag ka."

Oh my gosh.

Alam ko na kasunod nito. Oh my gosh! Anong isasagot ko?!

"Kief ano yan?" Tanong ko at ngumiti siya.

"Can I court you?"

Alam ko naman na iyon ang itatanong niya pero nagulat pa rin talaga ako sa sinabi niya.

"Ha?"

"I'm serious, Doc! I want to court you."

"Bakit ako?" Tanong ko.

"Bakit hindi ikaw?"

Ano ba!! Bakit tanong din ang sagot niya sa akin.

Umiwas ako ng tingin at napapikit na lang ako. Ano bang dapat kong isagot sa kanya. Shit naman oh!

"Don't worry hindi naman kita minamadali sa pagdedesisyon mo. Go on take your time maghihintay ako hanggang sa payagan mo na akong manligaw sayo." Sabi niya at hinaplos pa ang pisngi ko.

Hindi ko maiwasan na ngumiti dahil doon. "Okay." Sabi ko.

"Okay? As in okay saan?"

"Okay di pa ako ready na sagutin ka doon sa tanong mo siguro kapag nakapagisip na lang ako." Sabi ko at tumango siya.

"Thanks, Ly! Thank you so much! But I have one problem." Sabi niya kaya naman nagulat ako.

"Ano yon?" Tanong ko at nagkamot siya sa ulo niya. Aww ang cute naman!

"Di ako marunong manligaw eh." Tinignan ko siya at nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi ako naniniwalang ako ang una momg girlfriend, Kiefer kaya tigilan mo ako dyan sa mga paandar mo na yan ha." Sabi ko at umirap pa.

"I'm serious and yes di nga ikaw pero di naman ako nanligaw nun babe."

"Awow! Babe?! May tawagan na tayo ganon?! At bakit hindi ka nanligaw ha?!"

Nagugulat talaga ako sa mga sinasabi ng lalaki na to.

"Ganon talaga para sanay ka na kapag naging tayo na. Hindi ka na mahihirapan babe kasi may tawagan na tayo." Umirap na naman ako sa sinabi niya kaya natawa siya. "And yes Ly hindi talaga ako marunong. Eh gusto niya kasi kami kaagad kaya naman pumayag na ako."

"Really?!" Tumango si Kiefer. Wala pa akong nagiging boyfriend dahil walang oras sa mga ganyan lalo na nung med school ko kaya naman talagang pinapatigil ko na sila una pa lang kasi wala naman akong maipapangako sa kanila na magiging kami sa huli.

"Pero don't worry gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko sayo na seryoso ako." Sabi niya at ngumiti pa sa akin. Napangiti na rin ako at sa huli tumango ako.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon