CHAPTER 43

741 28 1
                                    

~~~

"Pupunta kami doon nila Dani bukas anak ha. Basta tatawag ako sayo kung anong oras ha." Bilin ni Tita Mozzy sa amin.

"Manong, kahit huwag ka na lang muna pumasok bukas sa office ako na lang muna ha. Enjoy your time with your family na muna. Bisita kami ni Bea doon basta may free time."

"Thanks Thirds!" Tumango ako sa kanya at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng sasakyan ni Kiefer.

Siguro pagod nga talaga ang kambal dahil tulog sila sa likod kaya naman mas lalong naging awkward ngayon dito sa loob. Hindi kami maguusap ni Kiefer pero ramdam ko ang mga pasulyap sulyap niya sa akin at naiilang ako. Bumabalik sa akin yung sinabi niya kanina kaya naman nahiya na naman ako dito. Bwiset!

Ginala ko kaagad ang panignin ko sa buong penthouse niya at hindi ko maiwasan na mamangha sa ganda nito. Maganda talaga ang penthouse niya. Pagpasok mo pa lang sa loob mahahalata mo ng malaki. At masasabi kong magaling ang interior designer niya ah. Ang ganda ng buong bahay.

"Do you like it?!" Tanong niya sa akin at tumango ako. Buhat ko si Amari at sa kanya naman si Silas. Wala pa ang yaya ng kambal dito baka daw bukas na lang sabi ni Kiefer kaya kami munang dalawa ang mag-aalaga ngayon sa dalawa.

"Yeah. Magaling ang interior designer mo ah. Ang ganda ng bahay sigurado rin ako maganda sa taas." Sabi ko at tumango siya.

"Can you wait for me here? Kukunin ko lang yung ibang gamit natin." Sabi niya at tumango ako.

Nilapag namin ang dalawa sa couch dito at lumabas naman na si Kiefer. Ang balak ko mananatili muna ako dito sa tabi ng kambal pero naeengganyo akong libutin ang buong bahay. Hindi ko napigilan na tignan ang kitchen. Ang ganda rin grabe! Kumpleto ng gamit ah. Pati yung mga baking tools mayroon siya. Sinilip ko ang pantry at pagbukas ko nun napangiti ako dahil may mga cereals, milk at kung anu-ano pang mga pagkain doon.

"Nagpabili na ako sa secretary ko ng mga pagkain para sa kambal. Hindi ko alam kung may gusto pa ba sila. Baka bukas maggrocery tayo para yung mga gusto mo pang bilhin ikaw na ang mamili ha." Sabi niya.

Napapikit ako at umiwas ako ng tingin sa kanya. Nagulat naman ako sa lalaki na to nandito na pala siya. Sinilip ko ang likod niya at nakita ko ang mga guards doon na naglalapag ng mga box. Yung mga toys na yata to ng kambal.

"Nagpatulong ako sa mga guards kasi baka kapag nagising ang dalawa baka hanapin nila yan." Sabi niya at tumango ako.

"Nagugutom ka ba?!" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at bahagyang nilapit ang mukha sa akin. "Ipagluluto mo ba ako?!"

"Pwede naman." Sabi ko.

"Pwede naman?"

"Well, kung ipagluluto kita mapapagod ako kaya sigurado ako walang kalabitan na mangyayari ngayon pero kung hindi ako magluluto sure ako hindi ako mapapagod." Sabi ko at tumawa si Kiefer kaya napangiti na rin ako.

"Damn woman!" Sabi niya kaya natawa na ako.

"Wait for me sa sala. I'll make sandwich." Sabi ko at tumango siya tapos hinalikan ako sa noo ko.

"Ako na sa juice at sa baso natin." Sabi niya at tumango ako.

May nakuta akong ham dito kaya namna iyon ang ginawa ko. Ham sandwich na lang tutal may lettuce din siya and mayo. Naririnig ko na ang TV hanggang dito sa kitchen kaya naman napangiti ako. Mukhang hindi pa inaantok yung lalaki na yon.

Dalawang sandwich ang ginawa ko at pinagsama ko na lang yon sa isang plato. Hindi ko maiwasan na napangiti parang ganito lang din kami dati ah. Napailing ako at sinilip ko na siya busy na nanunuod ng isang movie ngayon. Kanina lang nagaaway kami tapos ngayon ganito naman na kami bigla. Ang gulo gulo niya at ako. Hay ewan!

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon