CHAPTER 46

615 24 2
                                    

~~~

Tinapik tapik ko si Amari at napangiti pa ako nung humigpit ang hawak niya sa leeg ko. 

"Shh... mommy's here." Sabi ko at hinalikan ko siya sa noo niya.

Matutulog na kami ngayon at hinihintay na lang namin si Kiefer na matapos sa pagshashower niya.

"Mommy are you happy?" Si Silas kaya naman tinignan ko siya.

"Of course aank. Why?"

"Because I'm happy." Sabi niya at ngumiti sa akin. Napangiti rin tuloy ako dahil doon. "Amari and I are happy." Sabi niya pa.

"Yes! We l-love y-you and... D-daddy." Sabi ni Amari at hindi ko napigilan na mapaiyak na naman dito.

"Mahal na mahal na mahal ko kayo ha. Mahal namin kayo ng Daddy ha." Sabi ko at hinalikan ko silang dalawa sa mga noo niya.

Sobra akong masaya ngayon dahil nagsasalita na si Amari. Hindi pa naman ganon kadalas pero ngayon mas kaya na niya. Minsan kapag tinatanong ko siya hindi pa rin siya kumikibo pero magandang development na to sa kanya. Nakikipagusap na rin siya sa amin. Lalo na sa kapatid niya.

Kanina pa nga sila naglalaro at si Silas halatang masayang masaya rin talaga siya dahil halos ayaw na niyang pakawalan si Amari. Gusto niya palagi silang naguusap at magkasama. Sobrang happy ko lang talaga dahil ang tagal ko tong hinintay. Akala ko nga hindi na to dadating eh.

Nung nagsalita si Silas nun sobrang saya ko pero nung si Amari na halos panghinaan ako ng loob ko. Takot na takot ako na baka hindi na talaga siya makapagsalita. Gusto ko sana ng normal sa buhay sa kanya pero ganon nga ang nangyari. Kahit na mahirap hindi ako sumuko. Kahit na walang kasiguraduhan sumubok ako kinapitan ko Siya at ang anak ko. Kaya naman nung nalaman kong nagsalita siya doon sa isang taong hindi niya kilala gusto kong magalit at magtampo pero alam kong wala na akong magagawa nun. Kaya ang malaman na si Kiefer pala ang tao na yon ay nakapagbigay ng dobleng kasiyahan sa akin.

Iba nga talaga maglaro si Tadhana. Ang daming tao sa mundo pero si Kiefer ang unang nakarinig sa unang salita niya. At ang unang salitang sinabi niya pa ay DADA. Hindi ko alam baka nga nakaramdan din ng kapayapaan si Amari nun kaya niya natawag na Dada si Kiefer. Matagal ko tong hinintay. Ang tagal kong pinagdasal to kaya naman ang marinig sa kanya yon kanina ay mas lalong nakapagbigay inspirasyon sa akin na magpatuloy.

Bumukas ang pinto ng bathroom at lumabas na si Kiefer na nagpupunas pa ng ulo niya. Napangiti ako kaagad. "Say it to Daddy, sweetie!" Sabi ko at tumango si Amari.

Nagpalit sila ng pwesto ni Silas at yumakap kaagad sa akin ang Kuya namin. "I love you, Silas."

"I love you Mommy." Sabi niya at hinalikan pa ako. Ang sweet talaga ng kuya namin manang mana sa tatay niya. Kamukha na nga mukhang magiging kaugali pa ah.

"What is it, Sweetheart?" Tanong ni Kiefer na nahiga na sa tabi ni Amari. Pinatong niya pa to sa ibabaw niya.

"I love you, Daddy!" Sabi ni Amari at ngumiti si Kiefer tapos niyakap niya kaagad ang anak namin.

"Oh... I love you more, Amari. Mahal na mahal kayo ng Daddy." Humarap si Silas sa kanila at niyakap din siya ni Kiefer.

"Daddy please don't leave us again." Sabi ni Silas at natigilan ako doon.

"I won't anak."

"Promise?" Sabi ni Silas at tinignan pa siya.

"Yes baby. Hinding hindi na mawawala si Daddy."

"D-daddy. Don't go ha." Si Amari kaya naman napangiti na ako at lumapit ako bahagya sa kanila.

"We want to have a daddy so please don't leave na ha." Si Silas at tumango si Kiefer. "So that hindi na sad si Mommy." Sabi niya pa kaya naman tinignan ako ni Kiefer.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon