CHAPTER 39

523 27 3
                                    

~~~

Nakatingin lang ako kay Bea na nagboboxing doon kanina niya pa ako kinakausap pero sinasagot ko lang siya ng oo at hindi. Sa totoo lang yung iba nga niyang tanong hindi ko na alam eh. Basta sumasagot lang ako sa kanya.

Tumatakbo ang isip ko sa ibang bagay sa mga anak ko at kay Kiefer.

"Ate.." si Jia at inabutan ako ng juice dito.

"Thanks!" Sabi ko at tumango siya. Naupo siya sa tabi ko at parehas na kaming nakatingin kay Bea ngayon.

Nasa bakuran kami ng bahay at lahat ng guards malayo sa amin dahil nirequest ni Jia yon. Wala ulit si Madam dahil nasa ibang bansa daw siya ngayon at may gagawin na importante. Hindi niya pa nga rin napapaliwanag sa amin kung anong gagawin namin dito. Kung sino yung makakalaban namim. Sabi niya lang pagbalik na lang daw nila kami kakausapin.

"Ate bakit mukha kang malungkot dyan." Sabi ni Jia kaya tinignan ko siya.

"Namimiss ko lang ang kambal." Sabi ko at ngumiti siya.

"Gusto mo bang puntahan natin sila?!" Tanong niya at nakita kong palapit na si Bea dito sa pwesto namin. Naupo na siya sa harap namin.

"Paano?!" Tanong ko sa kanila.

"Pwede tayong magpaalam kay Madam ate. Akong bahala isa pa wala silang magagawa at pagbibigyan niya tayo dito kasi nga diba sila ang may kailangan sa atin kaya sila dapat ang nakikisama." Sabi niya.

"Isa pa wala sa kanila ang kambal kaya hindi niya magagamit sa atin yon once na magdecide tayong lumabas sa lungga na to." Si Jia naman ngayon.

Tinignan ko silang dalawa at ngumiti ako sa kanila.

"Thank you." Sabi ko at ngumiti sila.

"What for?"

"Kasi hindi niyo ako iniwan mula pa noon. Kahit na mahirap na hindi niyo ako iniwan at mas pinili niyong damayan ako dito sa problema na to. At hanggang ngayon nakasuporta kayo sa akin. Nilalagay niyo pa yung mga sarili niyo sa kapahamakan. Sa pagligtas sa akin at sa kambal noon. Hindi ko na alam kung paano ko pa kayo mapasasalamatan. Sana maparamdam ko sa inyo na mahal ko kayo at sobra akong thankful sa inyo. Sa pagmamahal niyo sa kambal at sa pagspoiled sa kanila." Sabi ko at niyakap nila ako biglang dalawa dito.

"Mahal na mahal ka namin ate Ly alam mo yan. Kahit nga tayo tayo na lang hindi ka pa rin namin iiwan. Ano ka ba pamilya tayo dito kaya kapag may nangangailangan ng tulong gagalaw talaga kami. At mahal na mahal din namam kasi namin ang kambal."

"Tama si Jia. Sobrang sarap mahalin ng kambal ate Ly. At alam mo ba nung dumating ang kambal sa life natin parang biglang nagbago ang lahat. Parang mas nagkaroon tayo ng happiness kaya naman gagawin din namin ang lahat para maging maayos sila." Sabi ni Bea at tumango ako.

"Gusto kong matapos na to sa akin. Ayaw ko ng maging ganito ang mga anak ko pati sa mga magiging anak niyo. Ayaw kong maging katulad nila tayo kaya tapusin na natin ang dapat natin tapusin dito. I want them to have a normal life. Ayaw kong matulad sila sa akin gusto ko yung masaya at hindi komplikado na buhay para sa kanila." Sabi ko at pinunasan ko kaagad ang luha ko dito.

"Gagawin natin yan ate ha. Magagawa natin yan." Si Jia at sinandal pa ang ulo sa balikat ko.

"Nga pala hindi ka pa nagkukwento doon sa nangyari nung nakaraan ah." Tanong ni Bea kaya natigilan ako. "Ano ate masaya ba ang kambal?! Kamusta sila at si Kuya Kiefer?"

Umayos ng upo si Jia at tinignan niya rin ako. Hindi ako nagkwento sa kanila atter nun. Basta umuwi na lang kami ni Jia at tanging nasabi ko lang sa kanila na happy ako na nakita ko na maayos ang kambal pero hindi ako nagkwento ng matagal sa kanila. Siguro ngayon panahon na para malaman nila ang nangyari nun.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon