To New Beginnings

769 24 1
                                    


Hi!!!

Una muna...

SALAMAT. Palagi akong magpapasalamat sa inyong lahat. Kung idol niyo ako mas idol ko kayo. Mahirap magsulat pero mahirap din magbasa alam ko dahil reader din po ako. Kaya naiintindihan ko kayo kapag nabibitin kayo kaya saludo din ako sa patience and understanding niyo sa akin kapag di ko kayang magupdate.

Salamat! Maraming salamat lalo na doon sa mga taong mula sa unang one shot ko nandyan na. Kahit na mukhang ewan yon sinamahan niyo pa rin ako hahahaha. Kasabay ko kayo sa pagmamature sa pagsusulat. Kumbaga ba pare-parehas tayong naggogrow sa paglipas ng panahon. Doon po sa nagdm sa akin na sa bawat story ko mas lalo akong gumagaling ate natatandaan ko ang iyak ko nun nakakataba po ng puso grabe. 🥺 Hindi ko kayo kayang replayan isa isa pero naaappreciate ko po kayo. 😘

SALAMAAAT! MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT.

Nandito na tayo sa dulo paano ba yan edi goodbye na hahahaha.

May sasabihin ako nga pala ako.
.
.
.
This might be my last story.

MIGHT kasi ayaw kong magsalita ng tapos pero sigurado ako na next week o next month wala akong bagong story.

Balak ko talaga ito na yung huli kong story. Kaya sabi ko gagawin ko best ko dito kasi deserved niyo ang isang magandang akda. Sana lang nagawa ko po at kung hindi man pasensya na pwede naman bumawi sa susunod na story diba? Hahahaha.

Ganon siguro kapag nagkakaedad na talaga yung priorities natin medyo lumalawak na. Di ko sinasabing hindi ko to priority. Don't get me wrong I love writing. I love making people happy. Kapag napapasaya ko kayo o nakakatulong ako sa pangtanggal pagod at stressed niyo sobra po akong natutuwa. Sa mga simpleng messages niyo sa akin kinikilig na ako hahahahah. Nakakatuwa lang na kahit sa pagsusulat lang nakakatulong ako sa inyo.

Kung kailan ako babalik hindi ko rin alam kung kailan ba ang araw na yon. Pwedeng next month pwedeng sa June o pwedeng next year na.

Kung babalik ako sa pagsusulat? Yes babalik po ako. Why? May tatlo akong AU na gagawin. May isa akong plot sa wattpad kaya yes po babalik ako hindi ko lang alam kung kailan pero sana nandyan pa rin kayo. Tuloy pa rin po ang paggawa ko ng one shot. See? Di ko siya kayang talikuran bigla bigla bahahah. Sama sama pa rin tayo sa paglalakbay sa mga gawa ko. Dadalhin ko pa rin kayo sa ibat-ibang lugar sa stories ko. Gusto ko pa rin kayong pakiligin, patawanin at paiyakin kaya naman babalik ako ha.

THANK YOU!!

THANK YOU SO MUCH!!

MAHAL KO KAYO!!!

Stay safe. Stay healthy.

This is not a goodbye.

See you soon?

~~~

JEL🌹

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon