EPILOGUE

944 34 3
                                    

~~~

"What the hell are you doing here?!" Tanong sa akin ni Miguel pagkababa ko sa sasakyan ko.

"I need his help." I said.

"What?! Anong nangyari bro?!"

Napahilamos ako sa mukha ko at napabuntong hininga ako.

"Iniwan na naman ako ni Alyssa." Sabi ko at halatang nagulat si Miguel.

"Gago! Seryoso ka ba?! Eh baka talagang kaiwan iwan ka Kiefer."

"Tang ina mo. Badtrip ako ngayon kaya handa akong makipagsuntukan sayong gago ka." Sabi ko at tumawa siya tapos tinaas niya pa ang kamay niya kaya naman napangiti na ako.

"Nasan ba si Alyssa ha?!"

"Hindi ko nga alam kaya nga ako nandito eh para dito. Hihingi ako ng tulong kay Boss Russel para mahanap ko si Alyssa. I need her hindi ko kayang wala siya. Kaya bahala na bro."

"Wait wait lang. Sigurado ka ba dito ha?! Talagang sa kanya ka hihingi ng tulong ha?! Bro tang ina alam mo kung gaano kagago tong tao na to tapos sa kanya ka pa hihingi ng tulong ha?!"

Sumandal ako sa kotse ko at ginulo ko ang buhok ko. Tang ina wala na akong maisip na iba pa. Ito na lang ang nasa isip ko pa. Kaya kahit na delikado ginawa ko pa rin eh. Kailangan ko tong gawin kailangan ko si Alyssa ngayon.

"Your wife is missing?!" Tanong ni Boss at tumango ako. "Bakit?! Nagaway kayo?! Baka naman away lang yan kaya sigurado ako magiging maayos din ang lahat sa inyo." Sabi niya.

Napatingin ako kila Luigi na pare-parehas tahimik dito at nakatingin lang sa akin. Kanina pinigilan nila akong gawin to pero ngayon wala na akong maisip na iba pang paraan dito.

"Yeah. Thank you Boss." Sabi ko at umiling ako.

"Kiefer, what do you need?!"tanong niya at napailing ako. Wala akong masagot bigla.

"Wala po." Sabi ko.

"Kailangan mo ba ng tulong ko ha?! You need people para makatulong sa paghahanap sa kanya?! I can lend you some if you really want." Tumingin ako kila Luigi at umiling siya sa akin.

"Hindi na po Boss. Nagtampo lang siguro talaga siya kaya naman aalis na rin ho ako." Sabi ko at tumango siya.

Lumabas kaagad ako ng opisina niya at napabuntong hininga ako doon. Bobo! Ano ba tong ginagawa ko dito ha?! Dapat nga hindi ako pumunta dito eh alam ko naman na ayaw ko ng magkaroon pa ng utang na loob sa tao na yon.

Mali ako ng taong nilapitan dito. Wala na  kasi akong matakbuhan pa ito na yung naisip ko. Sana pala hindi na lang ako pumunta dito.

"Bro." Si Luigi at tinapik pa ako sa balikat ko.

"Bakit?" Tanong ko at tinulak niya ako.

"Gago! Anong ginagawa mo dito ha?! Tanga lang?" Sabi niya pa.

"Gago ka alam mo naman na aalis na tayo dito sa magulo niyang mundo tapos mukhang balak mo pang humingi ng pabor gago ka." Sabi naman ni Baser ngayon.

"Sorry! Sorry talaga hindi ako nagiisip sa bagay na to nagpadalos dalos talaga ako. Pasensya na." Sabi ko pa at tumango sila.

"Hindi pa rin ba umuuwi si Alyssa ha?! Bakit ba? Nagaway na naman kayo?! Ano na namang katangahan ang ginawa mo ha?!" Sabi ni Luigi.

"Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam nagising na lang ako na wala na siya."

"At ano ang paliwanag niya ha?!" tanong ni Miguel.

Nagkatinginan kami ni Baser at umiling siya sa akin. Hindi ko sasabihin Baser huwag kang mag-alala hindi ko ilalaglag ang asawa ko dito. Masyado ko siyang mahal para gawin ko sa kanya yon.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon