CHAPTER 13

634 25 1
                                    

~~~

Nakatingin lang sa akin si Jia at parehas kaming nagpapakiramdaman dito.

"Kief ano or-- Doc!"

Oh si Miguel nandito rin.

"Hi Miguel!"

"Hi Doc!" Sabi niya at tumingin kay Kiefer tapos tinaasan niya to ng kilay.

"Don't look at me like that Miguel." Sabi niya at inakbayan ako. "Hello Jia! Long time no see ah."

"Ah hahahahaha Hi Kuya Kiefer." Sabi ni Jia at alanganin na ngumiti kay Kiefer.

Bakit ba nandito tong lalaki na to?! Nagmomoveon nga eh tapos magpapakita siya. Napakahayop mo naman maglaro tadhana kung kailan nagiging maayos na ako tapos makikita ko na naman siya ngayon ano ba naman yan!

"Ganon ba Jia? Di mo naman ako sinabihan na aalis ka pala ng bansa edi sana nakasabay ako sayo." Sabi niya kaya naman umirap ako.

"Ah hahahahaha Biglaan lang to Kuya Kiefer." Tinignan ko si Jia at halatang problemado na siya kaya naman natatawa na ako dito. Napakafake ng pagtawa kuno niya. Gagang to! Halatang kabado na ngayon pa lang.

Don't worry Jia. J got you. I got this.

Humarap ako kay Kiefer. "What are you doing here?" Tanong ko kay Kiefer.

"Oo nga pala. Jia si Miguel kaibigna ko at katrabaho ko na rin. Miguel si Jia isa sa mga bestfriend ni Alyssa. Single to Jia baka naman magustuhan mo." Sabi niya kaya hinampas ko si Kiefer.

"Playing cupid eh?" Sabi ko.

"Really? How about you playing what ha?" Sabi niya at tinaasan ako ng kilay.

"Ahem mukhang nandyan na ang foods natin.." sabi ni Jia na medyo umubo ubo pa.

"Let's talk." Bulong ko kay Kiefer. Pero nilalapag na sa lamesa namin yung mga pagkain namin ngayon.

"Later kumain na muna tayo. Tsaka maguusap naman talaga tayo dahil marami kang ipapaliwanag sa akin." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi ko.

Umayos ako ng upo at napairap na naman ako. Bwesit naman kasi! Bakit ba nandito tong si Kiefer at talagang kasama niya pa si Miguel ah. Ang dami daming namang bansa bakit dito pa?! Oh my gosh hindi kaya nasundan nila si Jia kaya naman nalaman nilang dito papunta yan. Impossible naman kasing sinabi nila Ella sa kanya loyal sa akin yung mga yon. Nagtataka lang talaga ako dahil ang dami daming lugar dito pa talaga kung saan ako nagbabakasyon parang hindi na ako maniniwalang coincidence lang to.

"Ate kain na." Sabi ni Jia at nung tinignan ko ang plato ko may laman na yon. Nilalagyan pa ni Kiefer nung tinignan ko tong dalawa sa harap namin parehas silang nakangiti.

Wala na akong nagawa at hinayaan ko na siya kung gusto niyang gawin yan edi bahala siya basta ako gusto ko lang kumain na dahil nagugutom na rin talaga aako.

"So nandito kayo para sa?" Si Jia.

Mabuti na lang at nagtanong siya para naman masagot na yung bumabagabag sa akin. Nagsimula na akong kumain at ganon din tong mga kasama ko.

"Work."

"Bakasyon."

Sabay na sabi nila kaya napatigil kami ni Jia at tinignan namin silang dalawa.

"Ano talaga ang totoo ha?" Tanong ko sa  kanila.

"Ayon talaga ang totoo Ly."

"Ang alin?"

"Bakasyon babe." Sabi ni Kiefer. "Tsaka sasamahan ko kasi si Miguel dito may gagawin siya at dadalawin na rin ang isang kaibigan na nandito na rin."

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon