CHAPTER 28

599 40 4
                                    

~~~

BEFORE THE ACCIDENT

~~~

Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ako dito pero hindi pa rin ako mapakali dito. Napatingin ako sa drawer ko dito at umiling ako ng sunod sunod.

"Tang ina!" Napatingin ako kila Luigi at sumimangot ako bigla. Nagulat pa ako doon hayop na to.

"Gago! Ang ingay mo naglalaro yung tao eh." Sabi ni Baser na hawak yung cellphone niya at busy na naglalaro doon.

"Kaya nga! Wag ka na magsalita dyan. Alam naman naming talo ka kahit na san pa." Sabi ni Miguel at nagtawanan silang tatlo.

Kanina ko pa gustong umalis pero dahil nandito pa tong mga hayop na to hindi ko na ginawa. Napatingin ako ulit sa drawer ko at binuksan ko na yon.

Kinuha ko ang kwintas doon at tinitigan yon. Dalawang araw na ang lumipas mula nung engkwentro namin kalaban yung mga assassins na yon. At hindi ako mapakali dito mula nung araw na yon hindi na to nawala sa isip ko.

Possible kayang may kaparehas siya ng kwintas? Kilala ko ang kwintas na yon eh. Ako ang bumili nito kaya alam kong parehas na parehas tong nakuha ko at yung kwintas niya mismo.

Tang ina naguguluhan ako hindi ko alam kung anong iisipin ko. Impossible to eh, napakabait ng tao na yon parang hindi nga niya kayang pumatay ng lamok tao pa kaya?

"Hoy!" Hinampas pa ni Baser ang lamesa ko ng hawak niyang papel.

"Ano?!" Tanong ko at sumimangot ako sa kanya.

"Gago! Ikaw pa galit eh ikaw na nga tong hindi namamansin dyan. Ano bang problema mo ha?!" Sabi niya at naupo sa harap ko doon.

"Wala!" Sabi ko at sumandal ako sa upuan ko at pinikit ko ang mata ko.

"Ano ba yang hawak mo na yan ha?!" Tanong ni Miguel at tinago ko kaagad yung kwintas na hawak ko.

"Ayos na ba kayo ni Ly?" Tanong ni Baser at umiling ako.

"Hindi pa rin kayo nagkakaayos aba naman Kiefer anong balak mo ha?! Sabi mo sa amin sigurado ka na na gusto mo siyang pakasalan tapos biglang ganito ka dyan." Sabi ni Luigi.

"Oo nga! Gagong to may pasabi sabi ka pa sa amin na mahal na mahal mo siya. Sabi mo pa nga diba siya na yung gusto mong pakasalan tapos biglang gaganito ka dyan ha." Si Miguel naman ngayon.

"Anong plano mo ha? Hindi mo na ba siya kakausapin?"

"Siya nakipaghiwalay." Sabi ko.

"So ganon na lang nga yon ha?" Tanong ni Baser. "Susuko ka na lang ha? Dahil sa hiniling niya sayo na maghiwalay kayo kaya ganon na lang ha? Sabi mo nga sa amin hindi naman malinaw yung sinabi niya sayo. Basta lang na nakipaghiwalay siya tapos wala na. Baka kasi may iba pang dahilan baka may gusto pa siyang sabihin sayo at baka takot lang yung tao."

"So anong gagawin ko Baser? Tinulak niya ako palayo diba? Ilang beses akong nagmakaawa sa kanya pero ayaw na nga niya. At isa pa yan sa kinaiinisan ko alam ko naman na may hindi siya sinasabi sa akin at hindi ko yon maintindihan. Wala siyang tiwala sa akin paano kami magkakaayos kung una pa lang hindi na siya nagtitiwala sa akin?!

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon