CHAPTER 42

631 31 2
                                    

~~~

Kanina pa nakaalis si Paolo pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa ni Kiefer dito. Parehas pa kaming tahimik pero kanina ko pa siya napapansin na tinitignan ako.

Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko dito hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Paolo. Parang ayaw kong maniwala pero kasi para talagang totoo eh. Pero paano nangyari yon?!

Ang isang kalokohan nauwi pala sa katotohanan. Hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko. At sigurado ako hindi rin to alam ni Kiefer dahil ngayon halata naman sa kanya na wala rin siyang alam talaga eh.

Anong gagawin namin?!

"Babe? Balik na tayo sa room ng mga bata." Sabi niya. Doon ko na siya tinignan at ngumiti siya sa akin. "We're good right?" Tanong niya.

"Paano yon nangyari, Kiefer?" Tanong ko sa kanya.

"Tara na muna magorder na muna tayo ng pagkain. Nagbilin si Silas ng paborito niya diba." Sabi niya at tumango na ako.

Nagpunta nga kami sa isang fastfood dito at naupo kami sa isang upuan doon. Umiwas ako ng tingin kay Kiefer. Hindi ko siya kayang tignan ngayon. Ang daming naglalaro sa isip ko.

"Babe."

"Paano nangyari yon?!" Tanong ko sa kanya. "Hindi ko talaga maintindihan eh."

"We signed the papers that night babe."

"Alam mo ba to?! Yung mga papers natin paano yon na process kung wala tayong mga papers ha?!" Sabi ko.

Bumuntong hininga si Kiefer at hinawakan ang kamay ko.

"Babe! I think I remembered something. Nasabi ko yata na ayusin na lang to. Parang naitawag sa akin to ng secretary ni Paolo tapos sabi ko ipapaayos ko na lang sa secretary ni Mama yung mga kailangan na papers kaya siguro naiprocess dahil naibigay at nakuha nila yung mga documents natin. Busy kasi ako nun kaya hindi ko masyadong inintindi." Sabi niya at napatakip ako sa mukha ko.

Oh shit!!

"Paano na to?!" Tanong ko at napakunot noo siya.

"Ayaw mo ba?" Tanong niya kaya naman tinignan ko si Kiefer.

"Ikaw gusto mo ba to? Gusto mo bang kasal na tayo? What if may girlfriend ka?!"

"Mukha ba akong may girlfriend?" Sabi niya at halatang nagpipigil na lang siyang may masabi pa dito.

Inisip ko lang naman paano kung may girlfriend pala siya edi kawawa naman yung babae. 

O kaya paano kung hindi niya naman pala ako gustong pakasalan? Edi ang daya naman kasi nakatali na siya sa akin. Naiisip ko lang naman si Kiefer eh. Ayaw kong maging unfair sa kanya.

"Naisip lang kasi kita. Paano kung ayaw mo pala nito?!" Kasi ang tagal naman namin hindi nagkita malay ko ba kung may naging karelasyon siya sa mga taon na yon.

"Mukha bang ayaw ko ha?" Tinitigan ko siya ng masama. Kanina pa ako naiirita kasi sinasagot niya yung mga tanong ko ng tanong rin. Bwiset ka Kiefer to!! "Look Ly kung ayaw mong ikasal sa akin edi magpa-annul tayo madali naman akong kausap eh. Kaysa naman yung ganyan ka na parang diring diri ka sa akin dahil lang kasal pala tayo." Sabi niya at nagulat ako doon.

Hindi pa ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Ano daw?! "Hindi naman ganon Kiefer!"

"I want the twins to use my surnames." Sabi niya.

"Iyon naman talaga yung gamit nila eh." Sabi ko at tumango siya.

"That's good. Hindi na pala ako mahihirapan sa bagay na to."

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon