CHAPTER 18

667 24 1
                                    

~~~

"Ly?! Kanina ka pa ba dyan?!" Tanong sa akin ni Luigi at ngumiti pa siya.

"Ha?! Ah hindi magkasabay kami ni Jia na pumunta dito." Sabi ko at hinawakan ko kaagad ang kamay ni Jia at bahagya ko yun na pinisil. Sana maintindihan ni Jia ang ibig kong sabihin baka mamaya biglang magdaldal tong babae na to parehas kaming malalagot nito.

"Ah ganon ha? Upo na kayo." Sabi ni Baser. Maya-maya lang ayan na si Justine at nagdiretso na siya sa kusina para makapagluto na ng breakfast namin.

Naupo ako sa tabi ni Kiefer na busy na sa kape niya ngayon tapos may sinasabi si Luigi kaya naman di pa kami nakakapagusap. Grabe yung kaba ko ngayon. Natatakot ako na baka kapag nagtanong na siya wala akong masagot at mahalata niya ako.

Parehas kaming nagpapakiramdaman ni Kiefer dito at mabuti na lang nagiingay tong mga kasama ko habang nagkakape sila. Si Ella at si Bea na lang ang tulog dahil sobra palang lasing yung dalawa.

"Kief.." sabi ko at tinignan niya ako.

"Tulungan ko lang si Justine sa kusina ha." Sabi ko.

"Samahan na kita."

"Ha? Ah huwag na ako na lang. Dito ka na lang ha nandito pa mga kaibigan mo." Sabi ko ay ngumiti pa ako sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pa yon. "Okay!" Hinalikan niya ako sa noo ko.

Tumayo akoat lumapit ako kaagad kay Justine na nagluluto na doon. "Mars.." sabi ko at nilingon niya ako.

"Yes mars? Ano may gusto ka bang ipaluto?!" Tanong niya at umiling lang ako.

"Tulungan na kita magluto." Sabi ko at tumango siya.

Nagkatinginan kami nung biglang tumawa sila sa diningroom. Mukhang nagkakaasaran na naman doon ah. "Grabe yung dalawa mukhang nalasing talaga ng sobra tulog na tulog pa." Sabi niya kaya natawa ako.

"Kailan ba hindi naging mga lasinggera yung mga yon. Kaya nga sabi ko rin di ako maglalasing dahil sigurado ako isa ako sa mga kailangan mag-ayos sa kanila at totoo nga." Nagtawanan kami pero bigla ko siyang siniko.

"What?!" Sabi niya.

"Hmm san kaya natulog si Baser kagabi?!" Asar ko at dahil maputi si Justine bigla siyang namula doon.

"Sa tabi rin nila Luigi."

"Really?" Sabi ko at ngumisi sa kanya. "Ako ang huling umakyat sa taas kaya sure ako ang naiwan lang sa sala si Luigi at si Miguel." Sabi ko at natawa ako nung mas lalo pa siyang namula.

"Sure din me di lang kayo basta natulog." Si Ella na gising na pala at tumabi sa amin doon sa malapit sa stove.

"Mga Leche!!" Sabi bigla ni Justine kaya nag-apir kami ni Ella at nagtawanan kami. "Ly, ang kapal ha parang ikaw di katabi yang jowa mo sa kama." Sabi niya pa.

"Ay sure ako wala kaming ginawang kababalaghan kagabi." Sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

"Wala rin naman kaming ginawa ah."

"Says who?!" Si Ella.

"Me!"

"Sus! Ulol mo Jus! Kaya nga kayo may Kyrie dahil dyan sa karupukan mo gaga aminin mo na tsaka amoy na amoy kita." Sabi pa ni Ella kaya tinignan ko siya.

"What the hell?!" Sabi ko at binatukan niya ako.

"Gaga! Di ko na aamoy yung nasa isip mo ang ibig kong sabihin yung aura ni bakla kakaiba mukhang nadiligan talaga." Sabi niya pa ulit kaya naman natawa ako.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon