CHAPTER 29

562 31 3
                                    

~~~

"Pano kapag ang panganay natin babae?" Tanong ni Alyssa sa akin.

Tinignan ko siya at hinalikan ko siya sa pisngi niya.

"Ayos lang din babe. Kahit ano pa yan basta ang mahalaga healthy siya. Healthy kayong dalawa at sana hindi ka mahirapan sa pagbubuntis at sa pangaganak mo." Sabi ko at nakita kong ngumiti si Alyssa.

Nasa condo kami ngayon halos kakauwi lang namin mula sa shift niya. Nagorder lang ako ng pagkain namin mula sa fastfood dito dahil iyon ang gusto ni Alyssa. Hiniling niya talaga sa sakin to. Tapos halos lahat sa menu inorder niya pa. Ang ending ito hindi na namin maubos. Tapos gusto niya pang ubusin ko daw dahil sayang eh busog na rin ako eh. Kung hindi ko lang to mahal nako talaga...

"Feeling ko magiging kamukha mo ang baby natin." Sabi niya kaya natawa ako.

"Sabi pa naman nila kung sino ang hindi kamukha iyon daw ang mas nasarapan." Sabi ko at biglang napaayos ng upo si Alyssa at tinitigan ako ng masama.

"Baliktad. Kung sino ang kamukha iyon ang mas nasarapan. Gagong to!!" Sabi niya at natawa na naman ako tapos niyakap ko siya at sinandal sa dibdib ko.

"Fine! Mas nasarapan naman talaga ako." Bulong ko at hinalikan ko pa siya sa leeg niya.

"Kief..." si Alyssa sa napakalambing na boses.

"Don't tempt me baka ending natin kwarto na."

"Hindi kita inaakit Kiefer!" Kinurot niya pa ako sa binti ko.

"Yes you are babe. Ang lambing lambing ng boses mo." Sabi ko.

"Ganito talaga ang boeses ko no!"

"Oh yes mahal pero mas lalong malambing ang boses mo kapag naaakit ka na. Ang ending naaakit na rin ako tapos mapupunta na tayo sa kama." Hinampas niya na naman ako kaya tumawa ako ulit. "Aww masakit na babe."

"Ikaw kasi kung anu-ano pinagsasabi mo dyan tapos kapag nagising yan isisi mo sa akin eh sino bang may kasalanan ha." Sabi niya at humarap pa siya sa akin.

"Ako?" Tanong ko at umirap siya. "Aba babe! Ikaw may kasalanan nga ikaw nang-aakit eh. Tara na sa kwarto."

"No! Maaga ako bukas at kapag tinuloy natin tong balak mo baka mahirapan na naman ako sa paggising ko kaya manahimik ka dyan ha. Sa susunod na lang." Sabi niya at ngumiti ako.

"Fine! Sa susunod na lang ha sabi mo yan. Hindi tayo matutulog babe. Ihi lang ang pahinga."

"What the fuck!!" Sabi niya at humalakhak na ako.

Sobrang cute ng mahal ko grabe. Kaya mahal na mahal ko to eh.

"I love you.." i said.

"And I love you more, Kiefer!"

"Mahal na na mahal kita. Hindi mo yon kayang lagpasan babe. Kapag nawala ka sa akin mas gugustuhin ko na lang din mawala." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Stop saying that. Matagal pa yon babe. Kiefer?" Umayos siya ng upo at ngayon nakatingin na siya sa akin. "Ipangako mo sa akin na kahit na anong mangyari sa akin dapat magpapatuloy ka sa buhay mo." Sabi niya.

"Stop it."

"Basta ipangako mo ha. Kapag dumating na yung oras na yon dapat magpatuloy ka sa buhay mo. Ayaw kong dahil wala na ako ay titigil na rin ang buhay mo. Ayaw ko ng ganon. Gusto ko makita pa rin kitang successful. Mahal na mahal kita." Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa lips. "Pero matagal pa yon kaya hayaan na muna natin yon ha. Wag mo ng masyadong isipin pa yon."

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon