CHAPTER 3

712 30 1
                                    

~~~

Nakatingin ako sa hawak niyang bulaklak at hindi ko talaga alam kung tatanggapin ko ba yon o katulad lang ng mga ginagawa ko dati sa mga nagbibigay sa akin ng ganyan.

"Doc..."

"Huh?" Tinignan ko siya at nakangiti sa akin si Kiefer.

"Sorry ha isang rosas lang ang kaya kong ibigay sayo ngayon." Sabi niya at nagkamot pa ng ulo. "Wala pa kasing sweldo eh." Sabi niya at natawa ako bigla.

Kinuha ko ang rosas at inamoy yon. Ang bango naman grabe!

"Salamat Kiefer!" Sabi ko at tumango siya.

"Sorry ha sa susunod na lang yung bouquet ang mahal kasi ng mga bulaklak." Natawa na ako lalo at ngumiti sa kanya. "Sorry ha alam mo naman na di ako pumasok nung mga nakaraang araw kaya walang sweldo."

"Thank you rin. Ano ka ba bakit kasi nagbigay ka pa ng ganito ha?! Ayan tuloy napagastos ka pa."

"Hindi! Hindi ganon Ly." Sabi niya at umiling pa. "Ayos lang talaga. Naubos lang nautakan ako ng mga kapatid ko eh."

"May kapatid ka?" Tanong ko at tumango siya.

"Yeah. I can talk more about them while we're having lunch."

Nagulat ako at tinaasan siya ng kilay. "Aba! Iba rin mga galawan mo ah. Paano kapag ayaw ko?" Tanong ko.

"Wala kang choice kasi alam kong gutom ka na tapos lunch time pa. Kaya tara na Doc! My treat." Sabi niya at sa huli pumayag na rin ako dahil nagugutom na ako. Hindi kami magsasabay ni Gretchen ngayon dahil kasama niya ang kapatid niya. Gusto nya nga akong isama pero ayaw ko nakakahiya naman kasi.

"Fine! Pero hati tayo sa gastos ha." Sabi ko. Parang mas mahihiya ako dito no! Lalo na at gumastos pa siya dito sa rosas na binili niya.

Nagpaalam na muna ako sa kanya na magpapalit lang ako ng damit ko at kukunin ko ang gamit ko. Wala na rin si Gretchen doon siguro maqgang nakarating yung kapatid niya.

Sa malapit lang kami na restaurant kumain ni Kiefer. Medyo nag-aalanganin pa nga ako dahil parang ang mahal naman dito pero dito niya kasi gusto kaya pumayag na ako. Heavy meal na ang pinili niya at ako naman na salad lang sana pero hindi siya pumayag.

"Di ka namna mabubusog doon sa dahon dahon na yon. Mas maganda mag-rice ka tapos may meat ka. Mahaba pa yata duty mo lalo na sa hospital ka nagwowork." Pangaral niya sa akin. Tatangihan ko sana pero dahil mukhang seryoso talaga siya sa sermon niya hindi ko na lang tinuloy. Sabagay may point siya bukas pa kami ng umaga uuwi ni Gretchen pero may dinner naman later tas may snack time rin.

"Sige na nga." Sabi ko at umorder pa siya ng dessert. Shit! Parang ang dami namin kakainin ngayon kakayanin kaya ng tiyan ko at ng bulsa ko na rin. Ilang minuto ng nakaalis yung waiter pero wala pa rin nagsasalita sa aming dalawa.

Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko nga alam bakit ako nandito eh. Dapat hindi ako sumama dito baka magisip siya ng iba ah.

Ngumiti siya sa akin at sa huli ako na ang nagsimula ng pag-uusapan namin.

"So ilan na nga ang mga kapatid mo?"

"Dalawa. One boy tapos yung bunso namin babae. Panganay ako." Sabi niya at napangiti ako.

Ang saya naman may mga kapatid pala siya. Ako kasi okay na ako doon sa dalawa kong pinsan kay Jia at kay Bea tapos doon sa mga kaibigan ko ayos na rin yung nga yon kahit na ang gugulo nila alam kong mapagkakatiwalaan ko yon.

"Wow! Nakakatuwa naman."

"Wala kang kapatid?" Tanong niya at tumango ako.

"Only child." Sabi ko.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon