CHAPTER 6

670 28 2
                                    

~~~

Inubos ko na yung kapeng hawak ko at tinapon na yon sa trash bin.

"You sure you can drive?" Tanong sa akin ni Gretchen at tumango ako.

"Yeah!" Sabi ko at nagmamadali na siyang magbihis para makauwi na kami. Pagod na pagod na ako pati utak ko feeling ko bibigay na rin.

"I can drive naman mare."

Natawa ako. "Wala kang tiwala sa akin talaga no!" Sabi ko at nagtawanan kaming dalawa.

"Anong plano mo after yung exam natin?" Tanong niya. Mageexam na kami ng PLE namin next week kaya naman super busy na rin at syempre kinakabahan na ako baka mamaya doon pa ako bumagsak.

"Hindi ko pa alam Gretch." Sabi ko.

"Hui! Mag residency tayo ah." Sabi niya kaya napabuntong hininga ako.

"Tara na." Sabi ko at nauna na akong lumabas doon. Nagmamadali naman si Gretchen na sumunod sa akin.

"Anong problema mare?" Sabi niya.

"May misyon kami nila Jia." I said.

"Oh..."

"Kailan?" Tanong niya.

"After ng exam." Sabi ko at napatakip siya sa bibig niya.

"Shit seryoso ka?" Tumango ako.

"Iniisip ko baka hindi na ako magtuloy sa residency ko."

"What the heck Alyssa!!!" Sabi niya at tumigil pa kami sa paglalakad.

"Ewan ko. Para akong pinapapili at hindi ko talaga alam kung anong pipiliin ko Gretch." Sabi ko. "Kailangan na namin manatili sa Organization sa mismong lugar namin sa norte."

"Ly..."

Umiling ako at ngumiti ako sa kanya. "Matagal pa naman kaya tara na uwi na tayo inaantok na ako."

"Ly pangarap mo to. Matagal mo ng gustong maging doctor diba? Bibitawan mo na lang ba yon ng ganon ganon lang?! Ang tagal natin nag-aral Ly."

"I know Gretch! I know wala pa akong desisyon pero kung ako lang talaga ayaw ko rin naman nito. Mahal ko ang pagiging doctor ko pangarap ko to dati pa pero may trabaho din ako."

"We both know na ayaw niyo yan nila Jia. Matagal niyo nang gusto ng normal na buhay kaya naman kung pwede na Ly umalis na kayo dyan." Umiling ako at kinagat ko ang ibabang labi ko ayaw kong umiyak hindi ako iiyak. Strong tayo dito kaya hindi tayo iiyak. "Ly..."

"Gretch I'm fine. Matagal pa naman yon malay mo magbago pa ang isip ko. Tara na uwi na tayo." Sabi ko at sa huli tumango na lang siya.

Parehas kaming tahimik sa biyahe namin pauwi ni Gretchen. Traffic kaya naman parang mas lalong bumabagal ang oras. Napatingin ako sa phone ko at marami akong nakitang messages from him.

It's been almost 3 weeks since the last time I talked to him. Madalas maman siyang pumupunta sa hospital pero ngayon wala siya. Baka busy lang siguro sa work. Lahat na yata ng paraan ginawa ko para iwasan si Kiefer ayaw ko na siyang madamay sa mundo kong magulo. Gusto ko siya at aaminin ko yon pero hindi pwede eh. Maayos ang buhay niya, masaya siya sa buhay niya at ako magiging malaking problema ako sa kanya.

Kiefer.... I miss you.

"Besh kakain na ba tayo?!" Sabi ni Ella pero hindi ko siya pinansin at nakatingin lang ako sa lobby.

"Ly!" Si Gretchen naman ngayon. "Tara na mare!" Sabi niya pa.

"Hui! Ayos ka lang ba?!" Tanong ni Jia sa akin at pumunta pa sa harap ko.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon