| KELLY'S POV |
"Maganda ba, Nicole?" Sabi ko kay Nicole habang pinapakita ang suot kong dress.
"Ate, yung totoo? May date ka ba? Pang-sampung damit na ata yang pinapakita mo sa akin eh." Sabi niya sabay kamot sa ulo.
Bakit nga ba kasi ako nacoconscious sa suot ko?! Nakakaasar naman oh!
"Wala akong date! May lakad lang." Sagot ko naman kay Nicole. "So, ano nga?! Maganda ba to?" Sabi ko ulit habang nakaharap sa salamin.
"Oo, okay na yan." Walang gana niyang sagot. Gara naman kausap ng isang to oh! Wala kasi si Cheska eh! May inaasikaso sa school.
Sige na nga, eto na ang susuotin ko! Tinatamad na rin ako magpalit! Hay. Hindi ko nga rin alam kung bakit pa ako nagaayos. Parang tanga lang no?
Usapan namin ni Kurt na magkita na lang kami sa mall. Ayaw ko kasing sunduin pa niya ako. Isa pa, ayoko sabihin kina mama at papa na may lakad ako kasama ni Kurt no. Mamaya kung anong isipin ng mga yun. Tsaka galit pa rin ata sila, lalo na si papa, kay Kurt. Although alam naman nila na kaschoolmate ko siya.
Alas dos na nung umalis ako sa bahay at halos isang oras rin ang byahe ko. Ang traffic naman kasi! Bakit ganon? Hindi naman rush hour ah?
Alas tres ang usapan namin ni Kurt kaya sakto lang pala ang dating ko. Quarter to three din kasi ako nakarating sa mall. Tinext ko agad siya na magkita kami dito sa activity ground kung saan may mga upuan.
Syempre, ako ang nagyayang umalis sa kanya kaya ililibre ko siya ng makakain. Hay nako, saan ba masarap kumain? Hmm...
Habang nag-iisip ako at nag-aantay, umupo muna ako sa mga bench sa activity ground. Saan naman kaya kami pupunta? Okay naman na siguro kung kumain lang kami no? Siguro naman mapapatawad na niya ako sa nagawa ko. Atleast bumawi naman ako sa kanya.
"Kelly." Napalingon agad ako nang marinig ko ang boses niya. Bumungad kaagad sa akin ang malaking ngiti sa mukha niya. Maaliwalas rin siyang tignan sa suot niyang plain white three fourths at black pants. Simple pero bagay na bagay sa kanya.
"Ano na?" Sabi niya ulit nang mapansin na nakatingin lang ako sa kanya.
"Uhh.. Kain tayo? Saan mo gusto?" Tanong ko.
"Kahit saan, okay lang sa akin."
"Sure ka?"
"Oo, kahit sa turo-turo." Sabi pa niya.
Nakakapanibago na ganito siya, parang ang gaan kausap. Parang nung kami pa.
"Tara na." Pagyaya ko.
Actually, hindi ko talaga alam kung saan siya dadalhin. Saan nga ba kami madalas kumain nung kami pa? I can barely remember...
BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Teen Fiction"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!
