| KELLY'S POV |
"Alam mo friend, hindi ko talaga alam kung anong problema ng mokong na yun. Sa tingin mo ba, iniiwasan niya ako?!" Kasama ko si Cheska. Recess namin ngayon at andito kami sa room at nagsusulat ng homework.
"Ayan na nga ba sinasabi ko eh! Pa-deny deny ka pa ng nararamdaman mo tapos ngayon, affected ka naman!"
"Ihhh! Kasi eh!! Nakakainis!!" -___-"
"Asus! Baka naman kasi hindi siya makawala kay Mira! Nakita mo ba kung paano kumapit si Mira sa kanya? Kulang na lang i-glue niya ang sarili niya kay Kurt!" Sabi ni Cheska.
Sabagay may point siya! Katulad kahapon! Kung makadikit si Mira kay Kurt! Over!
"Ewan."
"Tsaka magkikita naman kayo mamaya no! Di ba may meeting ang mga presidents?"
"Oo." Mahina kong sagot.
"Oh eh di, kausapin mo siya!"
"Ano namang sasabihin ko?!"
"Kahit ano! Kumustahin mo siya!!"
"Tss!" Hay nako! Bahala na nga! -__-
"Ay! Maiba tayo! Di ba nabanggit mo sa akin na nandito na ulit sa Pilipinas si Ringgo??" Sabi ni Cheska.
"Oo.."
"Bakit daw nandito siya?!"
"I don't know and I don't care." Pagsusungit ko.
"Ay! Taray! Maka-english lang teh?!"
"Ganon talaga! Hahaha!" Nagtawanan na lang kaming dalawa. Maya maya pa'y nakisali na rin sa kwentuhan yung iba naming kaklaseng babae. Tsismisan dyan, tsismisan dito. Syempre, hindi na naman nawala sa topic namin ang contest. Ininterogate na naman ako ng mga loko. -__-
******************************************
Yes!!! WALANG HOMEWORK NGAYOOOON \:D/ Haaaaay!! :3 Ang sarap naman. Hihihi. Maaga akong makakatulog mamaya kasi walang gagawin :)
Naglalakad na ako ngayon papunta sa conference room dahil nga may meeting daw kaming mga presidents.
Tsss. Naalala ko na naman si Kurt. Ewan ko ha, pero pakiramdam ko talaga iniiwasan niya ako. Ano bang problema niya??
"Kelly!!" Biglang nasira ang pagmumuni-muni ko nang biglang may tumawag sa akin. Isang pamilyar na boses. Napalingon ako para tignan kung sino ang nagmamay-ari ng boses.
"Ikaw na naman? Ano bang ginagawa mo dito?!" Naiirita kong tanong.

BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Teen Fiction"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!