| KELLY'S POV |
"B-Bea?!" Gulat kong tanong.
"Hi! I'm Pia!" Bati ng babaeng maganda sa harap ko. Naguguluhan ako! Kamukhang kamukha niya si Bea. Naalala ko tuloy yung desktop wallpaper ni Kurt dati, yung picture nila Bea. Ganitong ganito yung itsura niya, maliban sa buhok.
"Kelly, hindi siya si Bea." Natauhan na lang ako nang biglang magsalita si Kurt.
"P-Pero..." PERO KAMUKHA NIYA TALAGA!!
"Uhh...Ganon ko ba talaga kamukha yung friend niyong si Bea? Gulat na gulat kasi ang itsura niyong dalawa nung makita niyo ako." Mahinhin na sabi niya.
Kung titignan mo siya, para siyang bata. Petite ang pangangatawan niya at meron siyang maikling buhok na hanggang balikat. Mabilog at mapungay ang mata niya na may mahabang pilikmata. Grabe! Ano bang nangyayari? Sino siya? Anong ginagawa niya dito?!
"Sorry, Pia. It…It’s just that, hindi lang kami makapaniwala kasi sobrang kamukha mo siya."
"Oo nga! Grabe, Pia! Pwede ba kitang hawakan?" I might sound absurd pero gusto kong malaman kung totoo siya! Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang braso niya. Shit! Totoo siya at nahahawakan ko siya!!
"Hahaha! Hindi ako multo. Tao ako! Hahaha! You know what, you should have seen your faces! Gulat na gulat kayo!" She's so cute! Omg! Ang inosente ng itsura niya at ang cute ng tawa niya! Oh my god! Ganito rin ba tumawa si Bea?
Napatingin ako kay Kurt. Nakatingin lang siya kay Pia, poker face na naman siya. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.
"Uhm, Pia.. Outsider ka diba? Sinong kamag-anak mo sa mga cast?"
"Ahh, wala. Andito lang ako para suportahan yung friend ko, si Santi. Siya yung prince charming mo! Alam mo ang cute niyong tignan sa stage kanina!" Again, she's giving us her innocent laugh and smile.
"Ahh--ehh, friend ka pala ni Santi?" Sabi ko, napatingin ako ulit kay Kurt at medyo nagbago ang expression ng mukha niya.
"Yup! I met him sa States kasi family friend namin sila. By the way, friends din ba kayo ni Santi?" Friends ba kayo ni Santi? Ang hirap naman ng tanong niya! -_- Ano namang isasagot ko? Kapag oo, baka magalit si Kurt.
"Pia!" Sa di kaluyuan, nakita kong naglalakad papalapit sa amin si Santi.
"Hi Santi!" Sabi ni Pia sabay yakap kay Santi.
"Oh, Kelly, Kurt.. Kayo pala yan! By the way, gusto ko ipakilala sa inyo si Pia. She's my friend from states. Kasabay ko siyang bumalik dito sa Pilipinas last month and she's planning to stay here for good." Masayang sabi ni Santi.
"Wow! Talaga?"
"Yup!" Sagot ni Pia sabay ngiti. Gosh! Bakit ang cute niya? Para siyang yung sa anime! Yung kumikinang sa ganda. It may seem exaggerated pero ang ganda talaga niya!
BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Teen Fiction"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!