Chapter 25: The Announcement

3.6K 73 0
                                        

| KELLY'S POV |

Ayyyy! Nakakainis naman! Ang daming libro ang pinapadala ni Ms. Hernandez sa office niya. Pauwi na dapat ako eh! Bigla ko kasi siyang nakasalubong! Ayun! Bingo! Inutasan ako na pumunta sa library para kunin tong mga libro at ilagay ko daw sa office niya.

Siguro mga 8 na libro tong dala-dala ko. May 3 makapal. Kamalas naman talaga oh!

"Ay! Kabayong butike!" Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko napansin na may tao sa harap ko kaya naman nabangga ko siya... Viola!! Naglaglag lahat ng libro sa sahig. Ang tanga ko naman oh! Kung kelan naman nagmamadali ka, saka may nangyayari na di kanais-nais.

Pinulot ko na yung mga nalaglag na libro, wala na akong pakialam sa nabangga ko, gusto ko na kasi umuwi ehhh!!

"Kelly, sorry ah." Narecognize ko agad ang lalaking nagsalita dahil sa boses niya... Agad akong napalingon sa kanya. He gave me a big smile.

"Santi?" Oh my gosh, ngayon ko lang narealize na ngayon lang ulit kami nagkausap ni Santi. Simula kasi nung pumasok na ulit si Kurt dito sa Choisi Academy ngayong 4th year, medyo nawala na siya sa eksena. Di ba nga, last year, hindi gaanong pumapasok si Kurt dahil sa nangyari... kay Bea. Nung mga panahong yun, nagshine si Santi dahil nga tumakbo siya sa Student Council tapos heartrob din siya. Crush ko nga siya dati eh!! Sino bang hindi magkakacrush diyan sa nilalang na yan?! But anyway, ang pinagtataka ko ay kung bakit nawala ata siya? Ang tagal kong hindi naramdaman ang presensya niya.

"Kelly? Hey!" Sabi niya habang winiwave ang kamay niya sa harap ng mukha ko. "Are you okay?" Tanong niya.

"Ahh-Ehh--Oo!"

"Saan ka ba pupunta? Ako na magdadala nitong mga libro." Sabi niya sabay kuha sa akin lahat ng libro.

"Ay!! Nakakahiya! Ako na lang!" Tinangka kong agawin yung mga libro sa kanya pero nailayo niya agad yun sa akin.

"Hep hep! Wag na! Ako na! Sa principal's office ba to?" Tanong niya. Tumango naman ako.

Tahimik kaming naglakad papunta sa office. Medyo naa-awkward-an ako sa presence ni Santi. Ewan ko ba. Hindi ako kumportable...

"Uhh--Kumusta dito sa school, Kelly?" Tanong niya.

"Ha? Bakit ka nagtatanong about sa school? Ikaw naman! Parang wala ka dito!"

"Wala naman talaga ako dito eh."

"Eh?? Saan ka galing?? Kaya pala!! Napansin ko kasing naglaho kang parang bula! Ngayon lang ulit kita nakita around the campus! Ano nangyari??"

"Personal matters. Nagkaroon kasi ng problem sa family ko sa States so kinailangan kong pumunta dun. Mabuti na lang, the school provided me modules para maka-cope up ako sa lessons niyo."

"Ganon ba?? Grabe! Wala man lang akong kaalam-alam.”

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon