Chapter 22: Shit Happens (Part II)

3.6K 82 4
                                    

| KELLY'S POV |

 

Maya maya lang ay bigla nang dumating si sir at tinipon na kaming lahat.

"Okay! Class! Hindi ba may groupings na kayo? Uulitin ko 4 members sa isang group. Mauuna munang magpractical test ang section 1 tapos section 3 naman. So here's the mechanics, makinig kayong mabuti. Sa isang batch, limang groups ang maglalaban, pabilisan ito! Tig-dalawang members ang nasa magkabilang dulo ng pool. Bawat member ay may hawak na stick. Mula sa starting point, dadalhin ng unang member ang stick niya papunta sa pangalawang member." Pinakita sa amin ni Sir yung matabang stick na dadalhin. Para palang relay ang mangyayari.

"Kukunin naman ni 2nd member ang stick ni 1st member at babalik sa starting point para ibigay sa 3rd member ang mga stick. So ibig sabihin, tatlong stick na ang hawak ni 3rd member, lalangoy naman siya papunta kay 4th member para ibigay yung mga stick. Ngayon, diskarte na ni 4th member kung paano siya makakalangoy pabalik sa starting point habang dala-dala ang apat na stick. Kung sino unang makabalik sa starting point dala ang apat na stick ang siyang mananalo. As promised, 95 ang grade na makukuha ng kung sino man ang may pinakamabilis na oras sa buong klase." OMG. Ang hirap pala O____O

"Sinabi ko na ito sa inyo dati, 7ft ang lalim ng pool na ito. Dun sa mga hindi marunong lumangoy pinagbigyan ko kayong magdala ng salbabida, basta ang gusto kong makita dito ay ang speed at teamwork ninyo. Malinaw ba?" Sabi ni Sir.

"Opo." Sagot ng lahat.

"Okay. I'll give you 5 minutes para makipag-usap sa mga ka-group niyo." Kanya kanya na ng usap ang mga estudyante. Medyo umingay.

Lumapit sa akin sina Cheska, Hazel at Georgie.

"Kelly! Ikaw na lang ang 4th member!" Sabi ni Hazel.

"Ha?! Bakit ako??" O__O

"Sige na bestfriend!! Kilala kita! Mabilis ka lumangoy!!" Sabi naman ni Cheska.

"Oo nga pero.. saan ko ilalagay yung mga stick?! Medyo mataba kasi yung mga stick, imposibleng mahawakan ko iyon gamit ang isang kamay. Kahit pa tig-dalawang stick sa bawat kamay, hindi kakayanin kasi mataba yung stick baka dumulas sa kamay ko." Paliwanag ko.

"Ganito na lang, tig-isang stick sa magkabila mong kamay tapos yung dalawa pang stick, ipasok natin sa swimsuit mo!" -Georgie

"Hapit na hapit nga sa atin tong swimsuit natin eh! Paano pa mapapasok sa loob ng damit yun!" Sambit naman ni Cheska.

"Hawakan mo nalang yung mga stick! Kaya naman siguro eh! Tara! Puntahan natin si sir. Hiramin natin sandali yung stick." Sabi naman ni Hazel.

Lumapit kami kay sir, mabuti na lang at ipinahiram niya yung mga stick. Nilagay ko ang tig-dalawang stick sa magkabila kong kamay. Kaya naman pala, kaya lang dapat talaga mahigpit ang pagkakahawak sa mga stick kung hindi, dudulas sa kamay ko.

"Basta Kelly! Kaya mo na yan!"

"Sige. sige!"

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon