| KELLY'S POV |
"Hoy!! Dito ang kwarto ko! Diyan ang kwarto mo!" Sabi ko habang tinuturo yung mga pinto ng kwarto. May 5 kwarto ang buong bahay.
"Bakit ikaw ang namimili? Eh bahay namin to!" Sagot naman ni Kurt. Psh. Oo nga naman! Sorry naman! Feeler ako eh!
Wala na siyang sinabi pa, Dumiretso na kaagad siya dun sa kwartong pinili ko kanina. Psh! Kainis! Ako nauna dun eh! -_- Fine!! Since bahay naman nila to, wala akong magagawa. Dumiretso na lang ako dun sa isa pang kwarto.
Naisip ko lang.... WALA NGA PALA AKONG DALANG DAMIT!!! :O Wala akong underwear!! Wala akong damit!!
Agad agad naman akong pumunta sa kwarto ni Kurt...
*Tok Tok Tok*
Pasok, Bukas yung pinto. Narinig kong sabi ni Kurt.
Pumasok naman ako sa kwarto niya.. O_____O SAAN SIYA NAKAKUHA NG DAMIT?! O____O ANG BILIS NAMAN NIYA NAKAPAGBIHIS!
"B-Bakit may damit ka?!"
"Anong gusto mo? Maghubad ako? Oh sige." Sabi niya sabay umaction na huhubarin niya yung damit niya.
"Hoy! Hoy! Hoy! Tigilan mo nga yan." Tumigil naman siya tapos ngumiti ngiti na parang nang-aasar.
"Di ba nga bahay namin to, Syempre may mga damit ako dito."
"Andaya!!! Paano ako?!" Waaaaah!! Nakauniform pa kaya ako!!! T____T
"Teka..." Tumayo siya sa kama tapos kinuha niya yung paper bag na nakapatong sa study table sa kwarto.
Teka, Dinalhan niya ba ako ng damit?! \:O/
"Eto, Naisip ko kasi na baka nga magstay tayo dito ngayon kaya pinakuha ko kay Ate Maya to sa kwarto mo kanina.." Sabi niya habang sinisilip yung laman ng paper bag. Tapos tumatawa tawa pa siya. Baliw na ata talaga tong lalaking to eh.
Hindi ko alam kung bakit pero yung mukha talaga ni Kurt habang tinitignan yung laman ng paper bag. Tawa talaga siya ng tawa.
"Pinagtatawanan mo ba mga damit ko?!" Psh. Hindi man branded lahat ng damit ko, Desente naman tignan no! Sama nitong lalaking to! Pinagtatawanan!
"Anong damit? Bakit ko pagtatawanan damit mo?! Hahaha!" Hala! Baliw! Ngayon ko lang nakita si Kurt na ganyan tumawa. Ang sarap ng tawa niya oh! Tapos ngiting tagumpay pa siya!
"Eh ano ba yang laman ng paper bag na yan? Di ba damit ko?! Tapos pinagtatawanan mo habang tinitignan mo! Epal!" Patuloy pa din siya sa pagtawa. Hala! Grabe siya! Nabaliw na ng tuluyan si Kurt -___-
"Hindi kaya to damit." Huh? Eh ano? Bigla naman niyang pinasok yung kamay niya sa paper bag....
BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Teen Fiction"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!
