Chapter 30: Shit happens

3.7K 79 0
                                        

| KELLY’S POV |

“Hoy!” Parang sira tong si Kurt, kanina pa bugnutin.

“Tsk! Ano?!” Iritable niyang tanong

“Ano bang problema mo?”

“Wala.” Hay nako! Paano naman kasi kanina habang nagbebreakfast kami, inaasar na naman siya ni Tito John tungkol sa nangyari kagabi -_- Yung naabutan niya kami ni Kurt sa…awkward situation. Ayan tuloy, nabadtrip na naman siya.

“Kanina ka pa bugnutin dyan! Ang aga aga eh!”

“Eh kasi nga!!” Napatigil siya at nakatingin lang sa akin. Namumula na yung mukha niya, agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin at ibinaling ang pansin sa bintana.

“Wag ka na nga mabadtrip dyan! Tsss.”

“Oo na! Oo na! Sorry na.” Matamlay niyang sagot.

“Psh. Baliw ka talaga.”

Mabilis din kaming nakarating sa school, wala rin naman kasing traffic. Sakto lang ang dating namin, di masyadong maaga, di rin masyadong late.

Pagkadating naming sa 4th floor, diresto agad kami ni Kurt sa room KO. Oo, sa section ko. Maaga pa naman daw kaya dun muna siya sa room namin at aba! Buti na lang wala na rin yung bugnutin face niya.

Pagpasok namin sa room, halos lahat ng kaklase ko andun na. Seatmates kami ni Cheska, as usual pero nasaan ang babaitang yun? Bakit gamit niya lang yung nandito?

Umupo ako sa upuan ko at tinabi ang gamit ko, umupo naman si Kurt sa upuan ni Cheska.

“Oh, Hi there!?” Bigla na lang lumapit si Jessie sa amin ni Kurt. Nakikita ko siya and I know that she’s batting her eye lashes! Makapag-pacute lang Jessie?! Parang wala ako dito  -_-

“Hello.” Sagot ko tapos nginitian ko siya.

“Hindi ako ssayo nagha-Hi! Kay Kurt ako nagha-hi!”

“Ay ganon ba? Eh magkatabi kami ni Kurt eh. Hindi ko alam kung sa akin ka nakatingin o sa kanya. Banlag ka, Jessie?” Pang-aasar ko.

“Oo, pake mo?!” Tss. Siya pa tong nagsusungit, siya na nga nagpapacute sa BOYFRIEND KO!

“Hi Kurt!” Pacute ulit na sabi ni Jessie kay Kurt. Tss! Hindi pa rin natitinag, kung nakakamatay nga lang ang tingin baka kanina pa patay tong si Jessie sa sobrang pagtitig ko sa kanya. Tahimik lang na nagcecellphone si Kurt sa tabi ko at dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya at ngumiti kay Jessie. TALAGA BANG MAGPAPACUTE LANG SILANG DALAWA SA HARAP KO?!

Okay, patay na si Jessie. Hindi niya kinaya yung ngiti ni Kurt sa kanya. Tili siya ng tili palabas ng classroom. Hala! Nabaliw na! Hahahahaha!

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon