| KELLY'S POV |
"A-Ano bang sinasabi mo, Kurt?" Yun lang ang nasabi ko para mabasag ang katahimikan.
Lumapit si Kurt para hawakan ang magkabilang braso ko "Kelly... I like you...No, I love you."
Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mukha ko pati na ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko na maexplain ang nararandaman ko. Matutuwa ba ako? Pero... Pero...
"Hindi ako naniniwala sayo." It can't be! I mean, totoo na ba to?? GUSTO NIYA DIN AKO???
"Kelly, I'm dead serious about this. I like you." Seryosong seryoso niyang sabi.
Nakatingin lang ako sa mga mata niyang nakikiusap.
"B-Bakit sabi mo sa akin dati...hindi mo ako gusto."
"Dati yun, Kelly. Iba na ngayon! N-Natatakot lang naman kasi ako na baka...baka hindi mo ako gusto pero wala na akong pakialam basta patutunayan ko sayong gusto kita."
"Siraulo ka!"
"Hala! Bakit??"
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?"
"N-Ngayon nga lang ako nagkaroon ng lakas ng loob!" Namumula na siya sa habang sinasabi niya yun. Hahaha! Ang cute niya :3
"Baliw!!" Sabi ko sabay takbo palabas ng kwarto ni Kurt. Rinig ko ang mga yabag ng paa niya at alam kong sinusundan niya ako. Bigla na lang niya hinigit ang kamay ko
"Kelly! Para naman tong bata eh! Ano ba!"
"Tss! Ang highblood mo!"
"Ikaw kasi eh! Nasa kalagitnaan ako ng..ng pag-amin sayo tapos tatakbuhan mo ako! Kung ayaw mo sabihin mo lang sa akin, aalis na lang ako..." Tapos bigla na siyang tumalikod ng slow motion. Hala! Abnormal talaga tong lalaking to.
Hinawakan ko ang braso niya para pigilan ang kaartehan niyang umalis sa harap ko.
"Abnoy ka ba talaga? Tss! Ang arte arte mo! Chicks ka ba?"
"Sus! Effective lang talaga acting ko no!"
"Arte! Acting acting pa! Parang bakla!'
"Anong bakla?! Halikan kita dyan eh!"
"Psh! Neknek mo no! Hindi ako papahalik sayo. Ewww!"
"Wow! Maka-eww ah! Dami daming babae nagkakanda-baliw para sa mahalikan ko tapos ikaw tong maswerteng mahahalikan ko, ayaw mo pa?"
"Ewan ko sayo!" Sigaw ko. Sandaling natahimik, nakatingin lang si Kurt sa akin at nakangiti. Abnormal na nga talaga tong isang to.
BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Teen Fiction"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!
