Chapter 48: Pain

2.8K 55 0
                                        

| SANTI'S POV |

"Everything went according to your plan, Pia. Masaya ka na ba?" Tanong ko.

"This is just the beginning, Santi. I'm not even close sa mga gusto kong mangyari." Sabi niya sabay kagat sa apple na hawak niya.

"Seriously? Nagpabangga ka, you almost killed yourself para makaganti and now you're telling me na you're not even close sa mga gusto mong mangyari?! Bakit kaya di ka nalang maghire ng serial killer para wala ka nang problema."

"Tch! Hindi ganon kadali yun, Santi. Gusto kong masira ang buhay niya. I want him to feel the pain na naramdaman ko nung nawala si Bea."

"Ewan ko sayo. Na-coma na nga yung tao diba? Hindi pa ba sapat yun?"

"Santi, nakikinig ka ba sa akin? Sabi ko I want him to feel the pain. Coma siya nun! Wala siyang malay. Walang nararamdaman. Tulog siya diba? Paano makakaramdam ng pain?! Ano ba, Santi? Nasaan ang utak mo?" Sabi niya at bahagya siyang tumawa.

"Lintek! Dami mong alam!"

"I know right! Pero ngayong gising na siya...I'm pretty sure unti-unti na niyang nararamdaman yung pain."

"Yeah. I actually heard na umalis ata sila ngayon para pumunta kay Kelly. Let's see how it goes."

"I bet matutuloy si Kelly sa Canada. My plans were flawless. Lahat ng ebidensya, lahat ng pangyayari, lahat yun naplano ko nang maayos. Hindi na ako makapaghintay na makita si Kurt na nagdudusa at nasasaktan."

"You're such a sick bitch, Pia. Ang scary mo!"

"Excuse me?! I'm not doing this for my own entertainment. I'm doing this for my sister. Kasalanan ni Kurt kung bakit siya nawala. Siya lang ang meron ako. Kaming dalawa lang ang magkakampi sa buhay!"

"Fine! Fine! I get it! Pero kasi sinasayang mo lahat ng oras, pagod at pera mo sa paghihiganti mong yan eh hindi naman nun mababalik yang kapatid mo. Just saying!"

"When Bea died, I promised na I'll make Kurt's life miserable! Nagsisimula pa lang ako, Santi." Sabi niya tapos nag-evil smile lang siya.

Ewan ko ba dito sa bestfriend kong to. Parang siraulo minsan e. Obsessed na obsessed na gawing miserable ang buhay ni Kurt. Although naiintindihan ko naman ang dahilan niya. Half-sister niya si Bea na dating ex ni Kurt. Parehas sila ng tatay, halos magkasing edad lang sila nung ipanganak.

Nagstay si Pia sa daddy niya sa states, dun ko siya nakilala. Samantalang si Bea naman nagstay kasama ang yaya niya dito sa Pilipinas, patay na kasi yung mommy ni Bea. Summer nun bago kami magsecond year highschool, nagbakasyon kami sa States ng family ko. Noon ko nakilala si Pia. Naging magkaibigan na kami simula nun, sakto pa dahil nalaman kong magbabasyon siya sa Pilipinas para bisitahin yung kapatid niya.

Pagpasok ko nung second year, halos wala na kaming communication ni Pia kasi akala ko nasa states pa siya nun. Nagulat na lang ako kasi nakita ko siya sa gate ng school. Nung nilapitan ko siya, nagulat din siya kasi dun ako nag-aaral. Dun din pala nag-aaral ang kapatid niya na si Bea.

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon