Chapter 35: Her Decision

2.8K 47 0
                                    

| KELLY'S POV |

"Uhm...pumapayag na po ako." Sabi ko kay Tito John. Ilang araw at ilang beses ko rin pinag-isipan to at ngayon, buo na ang desisyon ko.

Naisip ko na hindi naman magiging hadlang tong kasal na to sa future namin ni Kurt, di ba? Kumbaga para sa akin, sabay lang namin tutuparin yung mga pangarap namin. Wala pa naman sa utak ko na gawin ang mga bagay na hindi pa namin dapat gawin at mas lalong wala pa akong balak magkaanak. Marami pa akong goals na dapat kong matupad.

"Well then, it's all set! Papuntahin ko dito ang mama mo para mapag-usapan natin agad yung kasal." Masayang sabi ni Tito.

"Sige po, Tito John. Mauuna na po ako." Sabi ko at akma na sana akong tatayo pero hinigit ni Tito ang kamay ko.

"One more thing, Kelly...maraming salamat ha? Maraming salamat sa pagmamahal mo kay Kurt. Natutuwa ako at bumalik na yung dating sigla niya."

"Wala po yun, Tito." Isang matamis na ngiti din ang iniwan ko bago ako tuluyang lumabas sa study room.

Maaga kasi akong nagising ngayon, balak ko talagang makausap si Tito John bago siya pumuntang office at bago kami pumasok ni Kurt para nga masabi ko na payag na ako sa Kasal.

Pagpasok ko sa dining room nakita ko na kumakain na ng breakfast si Kurt.

"Saan ka ba galing? Wala ka daw sa kwarto mo sabi ni Ate Maya." Tanong ni Kurt. Umupo naman ako harap niya at kumuha ng oatmeal.

"Kinausap ko si Tito John." Matipid kong sagot.

"Ha? Bakit? May problema ba?"

"Wala naman."

"Eh bat mo siya kinausap?" Ang kulit ng soon-to-be-husband ko no? Puro tanong!

"Eh bakit? Bawal ba siyang kausapin?"

"Eh bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?" Ay! Ang kulit talaga!

"Wala. Pinag-usapan namin yung kasal." Sabi ko habang ngumunguya. Kita kong medyo nagulat siya sa sinabi ko.

"Tapos? Anong tungkol sa kasal?" Curious niyang tanong.

"Secret!" Sabi ko sabay belat sa kanya. Hahaha! Ang cute asarin ni Kurt.

"Ahhh! Ganon? Ayaw mong sabihin?" Pagsusungit niya.

"Hahaha! Eto naman! Joke lang eh! Ang sungit mo talaga! Pumapayag na po ako sa kasal. Yun yung sabi ko kay Tito." Natatawa kong sabi. Napatayo naman si Kurt sa kinauupuan niya at halatang nagulat sa sinabi ko. Hahaha! Ang cute niya talaga! :3

"Talaga?! M-Magiging asawa na kita?!" Gulat niyang tanong.

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon