| KELLY'S POV |
Kakatapos ko lang mag-ayos at magbihis. All set na ako para sa reunion mamaya.
"Best, okay na ba?" Pinakita ni Cheska sa akin yung make-up niya.
"Oo, best. You look great!!" Sabi ko naman at kinuha ko na yung purse ko. Sabay na kami pupunta ni Cheska sa venue.
We decided na cocktail party na lang yung reunion. Sa Majestic Hotel ang venue at semi-formal ang required attire. Syempre, invited ang buong batch namin pati na yung mga former teachers namin. Si Jessie ang naka-assign sa program flow at hosting. So far, wala namang naging problema. Lahat ay naaayon sa plano namin.
Mabilis ang naging byahe namin ni Cheska. Pagdating sa hotel, agad kaming dumiretso sa event hall. Dumating na yung iba, sa labas pa lang kasi nung hall may nagkukumpulan at nagpipicture-an na. Nakakatuwa na makita sila ulit kahit sa mukha ko lang sila kilala.
Sa di kalayuan, napatingin ako sa table ng section namin at nakita kong kumakaway sa akin si Marc. Hindi pa rin nagbabago ang kumag. Hyper pa rin.
"Kelly!!" Sigaw niya habang kumakaway. Natawa na lang ako at lumapit sa kanila.
"Kelly! Ang ganda ganda mo!" Salubong sa akin ni Michelle.
"Namiss ko kayo! Grabe!" Sabi ko naman at yumakap ako sa iba sa kanila.
Sandali kaming nagkakwentuhan pero di rin nagtagal kasi mas dumadami na yung mga tao at kailangan kong asikasuhin yung iba. Isa kasi ako sa mga event organizers.
Pupunta sana ako sa backstage pero napatingin ako sa isang lalaking nakaupo at busy sa pagcecellphone. Hindi nakabukas ang main lights, yung mga pin lights lang kaya di ko agad makita kung sino yun kaya lumapit pa ako ng konti.
"Ringgo?" Sabi ko nang mapansin ang isang pamilyar na postura at agad naman siyang napalingon sa akin.
Napatitig pa siya sandali sa akin bago nanlaki ang mata niya na tila ba nagulat.
"KELLY?!" Gulat niyang sabi. Napatayo pa siya sa kinauupuan niya.
"Kumusta na?" Sabi ko at lumapit pa ako ng konti. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin.
"Namiss kita! Kelan ka pa bumalik?! Matagal ka na bang nandito sa Pilipinas? Babalik ka pa ba sa Canada?" Sunod-sunod niyang tanong.
"U-Uhm..Hindi ako makahinga, Ringgo." Sabi ko kasi ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.
"Ay! Sorry!" Kumalas na siya sa pagkakayakap. "Sorry, nabigla kasi ako. Hindi ko ineexpect na makikita kita ngayon. Ano? Kumusta na? Lalo kang gumanda ah!"
"Eto, okay naman."
"Are you staying here for good?"
![](https://img.wattpad.com/cover/3677724-288-k692791.jpg)
BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Fiksi Remaja"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!