Chapter 4: Little Revenge

4.6K 85 2
                                        

A/N: Yung last chapter po ay naganap 3 days before summer vacation nila Kelly. Just to make things clear po :>

 

| KELLY’S POV |

 

May 28, 2013, 1:32pm.

 

Ang bilis ng panahon. Ang bilis natapos ng summer.  4th year na kami -.- Pfft. Andito kami sa school at enrollment na >.< Grabeeee! Ang daming tao at ang haba ng pila.

Oh my gosh!!! Sasali talaga ako dyan!!!

Ako din Sis! Grabe!! Sana makasama ako!!

Kyaaaaaa!!!

Yung totoo! Kanina pa ang ingay nitong dalawang babae sa harap namin ni Cheska, paulit ulit lang naman ang sinasabi nila. Na kesyo daw sasali sila sa kung saang contest at sana daw mapasama sila. Panahon na ba ng PBB Teens?! Bakit ganon ang pinag-uusapan nila? Kanina nga rin nung nasa gate ako habang inaantay si Cheska, yun din pinaguusapan ng mga schoolmates namin.  Bakit di ako updated? Ermergerd.

“Girl! May Itatanong ako.” Kalabit ko kay Cheska habang nagcecellphone siya.

“Oh?”

“May audition ba ng Pinoy Big Brother? Yung Teen Edition?”

“Ha?! Saan mo naman nasagap yan?”

“Eh kasi kanina ko pa naririnig sa mga schoolmates natin na sasali sila sa contest? Naisip ko lang baka PBB Teens yung sasalihan nila?”

“OMG. Kelly! DON’T TELL ME HINDI MO ALAM?! PAPATAYIN KITA!”

“Papatayin agad?” Hinawakan niya ako sa dalawang balikat at niyugyog-yugyog.

“Grabe ka! Hindi mo man lang ba chinicheck yung school website natin?!”

“Bakit? Ano ba kasing meron?” YUNG TOTOO! BAKIT HINDI KO ALAM?!

“I-check mo mamaya pag-uwi mo!”

“Eh! Bakit di mo na lang sabihin sa akin?!”

“So that you will learn your lesson! Wala kang alam sa mga current events! Ano ba Kelly! Paano na lang kung sasakupin tayo ulit ng Spain, hindi mo pa alam!”

“Ang arte naman nito! Sabihin mo na kasi pleaseeee!”

“NO.”

“Ihhhh.”

“Wag ka makulit, Kelly. Ayan na oh, tayo na susunod na magbabayad.”

“Pffft.” Ang kulit naman nito ni Cheska, pwede naman na sabihin sa akin ngayon. Bakit kailangan ko pa i-check sa website. Kasi naman eh, bakit ba hindi ako updated?

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon