| KELLY'S POV |
"Let's all join her as she enters her way one step closer to womanhood! Let's all welcome our celebrant, Ms. Kelly Starr Torres!" Narinig ko na sabi ng host.
Binuksan ang napakalaking pinto ng event hall at bumungad sa akin ang nagkikislapang mga ilaw, nakatapat din sa akin ang spotlight at sa di kalayuan, nakikita ko na nakatayo ang mga kaklase, kamag-anak at mga kaibigan ko na nakangiti at may hawak na camera habang inaantay nila akong pumasok sa event hall.
Naglakad ako sa red carpet, rinig ko ang pagserenade ng mga performers habang naglalakad ako sa gitna. Medyo kinakabahan ako dahil baka madapa ako habang naglalakad. Kitang kita ko si Cheska na pakaway-kaway pa sa akin na akala mo artista ang nakita niya.
Nang makarating ako sa may unahan, inalalayan ako ng isang lalaki paakyat sa stage.
Mula sa stage, kitang kita ko ang mga tao. Napakarami nila at natutuwa ako na lahat sila nakarating.
Patuloy ang pagkanta ng mga performers bilang opening number, umupo naman ako sa isang magandang upuan na nasa gitna ng stage. Para akong reyna sa mga fairytale na nakaupo sa trono. Hahaha!
Napako ang tingin ko sa mga tao... Isang tao lang ang hinahanap ng mata ko... Nasaan ba talaga siya?! Anak naman ng patola oh! Siya ang escort ko, diba dapat andito siya?!
Gustuhin ko mang itext siya, hindi ko naman magawa dahil on-going na ang program. Para rin talagang debut ang line-up ng party. May mga magbibigay ng 17 messages, 17 gifts tapos 17 shots at syempre may 17 roses din kung saan, may 17 na lalaki na isasayaw ako.
May mga iba't ibang nagperform na napapanuod ko lang sa TV dati. Grabe! Live ko silang napapanuod ngayon. Lalo na yung grupo ng dancers kanina! Ang galing!! Iba talaga ang mga connections ni Tito John!
Nagsimula ang 17 messages at syempre parte ng line-up si Cheska! Ang haba ng message ng loka! Tinalo pa yung SONA ng presidente! Hahahaha! Puro kalokahan naman yung message ng iba ko pang kaklase XD Yung iba na nagmessage mga pinsan at kapitbahay namin.
Pagkatapos ng 17 message ay may nagperform ulit na girl group, sumayaw din sila. Isa rin sila sa mga napapanuod ko lang sa TV!! Grabe!! Ang gaganda nila!!
Marami rin akong natanggap na regalo sa 17 gifts! May sapatos, bag, damit at kung ano ano pa. Ang nakakatawa, may nagregalo sa akin ng electric fan at ang paliwanag niya sa akin, dahil daw hindi siya makakarating sa kasal namin ni Kurt, ngayon na niya binigay ang regalo niya. Hahahaha! Natatawa talaga ako! Kaya pala ang laki ng box, akala mo bomba yung laman.
Medyo nawala na sa isip ko si Kurt kanina nung nagsimula yung program pero ngayong may nagbanggit na naman sa kanya...naalala ko na naman na wala pa siya. Argh!! Patay talaga siya sa akin!!! Sasapakin ko siya kapag nakita ko siya!! Ang kapal ng feslak niya! Hindi na nga ako binati, di pa nagpakita!
Matapos ang pagbibigay ng 17 gifts. May nagperform ulit, pumunta naman muna ako sa holding area para magretouch.
Chineck ko rin ang cellphone ko at sa wakas nakita ko rin sa screen ang pangalan ni Kurt. He texted me saying...
BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Teen Fiction"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!
