Chapter 37: Lover's Quarrel

2.7K 63 0
                                        

| KELLY'S POV |

 

I'm really really sorry, Kelly. I'll explain everything tomorrow. Sorry kung nalate ako sa usapan. I'll make it up to you.

I love you, Kelly.
-Kurt

 

Itong sticky note na nakadikit sa lampshade sa bedside table ko ang bumungad sa akin.

 

Kung akala niya madadala niya ako sa note na to, nagkakamali siya! Nababadtrip pa rin ako sa kanya! Nakakainis! Magsama sila ni Pia! Paguntugin ko pa silang dalawa eh!

 

Hay! Ang aga aga badtrip agad ako -_- Sino ba kasing hindi mababadtrip sa kanya?!

 

Bumangon na lang ako tapos naghilamos at nagtoothbrush. Nagugutom na ako, di nga pala ako nakapagdinner kagabi! Sayang talaga yung niluto ko. Pffft.

Pagkababa ko, dumiretso agad ako sa dining room. Walang tao pero may pagkain sa mesa. Umupo ako sa pwesto ko, napansin ko lang...Sunog yung hotdog pati na yung itlog. Anong nangyari?! Ngayon lang sila naghanda ng almusal na ganito ang itsura.

"Sorry, natagalan yung kanin." Napaligon ako nang marinig ko si Kurt. Nakasuot siya ng apron at hawak niya ang mangkok ng kanin tapos nilapag niya sa mesa.

"D-Don't tell me ikaw ang nagluto nito.." Sabi ko.

"Uhm...Yeah. I know it's pretty messed up pero promise, nakakain pa yan! Medyo sunog lang.." Napakamot na lang siya sa ulo nang sabihin yun.

Hindi ko na siya pinansin at kumuha ng lang ng hotdog at itlog. Medyo sunog nga pero pwede na ring pagtyagaan. Natikman niya rin kaya yung adobong niluto ko para sa kanya?

 

Habang kumakain, napansin ko na nakatayo lang si Kurt sa tabi ko na para bang inaantay yung sasabihin ko. Anong problema niya? Bakit hindi pa siya kumain?

"Bakit ka nakatingin? Kumain ka na." Malamig kong sabi at tinuon agad ang pansin sa pagkain.

Nakita kong tinanggal niya ang apron niya, umupo sa pwesto niya at nagsimula na rin kumain.

"Kelly, I'm really sorry about last night." Sabi niya. Hindi ko ulit siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Sa tuwing naaalala ko talaga na magkasama sila ni Pia kahapon, di siya nagtext at tumupad sa usapan, nababadtrip talaga ako! I mean, bakit niya gagawin yun?!

"Natikman ko yung niluto mo kagabi, ang sarap!" Nakangiti niyang sabi. Binola pa ako! Maalat nga yung luto ko eh! Inayos lang siguro ni Ate Maya yung timpla para sumakto yung lasa.

"Kelly... Kagabi kaya hindi ako nakapagtext at nakatawag kasi walang signal sa condo." Oh c'mon! Walang signal?! Ano yan sa kabundukan nakatira?!

"Tsaka paputol-putol din yung internet. Tsaka--"

"Sa bundok ba siya nakatira at walang signal?!" Pagsusungit ko, nakakabadtrip eh!

"I swear, Kelly! Wala talagang signal! Promise!"

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon