| KELLY'S POV |
Hindi ko na inantay pa ang sasabihin nila at agad nang napatakbo.
Binilisan ko ang pagtakbo kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hinahayaan ko lang ang mga paa ko na magpatuloy kung saan ako mapadpad. Unti-unti na ring nanlalabo ang mga mata ko...
Why the hell are you crying, Kelly?!
Hindi ko mapigilang itanong sa sarili ko... Mali ba na pinatawad ko siya?! Niloloko na naman ba niya ako?! Anong ginagawa dito ni Pia?! Akala ko ba wala na silang contact sa isa't isa?!
"Kelly!!" Sigaw ni Kurt. Rinig ko ang unti-unting paglapit ng mga yabag niya pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa nagulat na lang nang bigla niyang higitin ang kamay ko dahilan para mapatigil ako sa pagtakbo at mapaharap sa kanya.
"Kelly..." Hingal na hingal niyang sabi.
"WAG KA NANG MAGSALITA!!!" Sigaw ko, ayokong marinig ang kahit anong sasabihin niya.
Nagpatuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Sa totoo lang, hindi ko na nga alam ang mararamdaman ko. Sa sobrang inis ko, hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Sobrang nasaktan din ako sa nakita ko kasi sinabi niya sa akin na hindi na sila nag-uusap ni Pia pero ano?! Magkausap pa rin silang dalawa!!! At sa school pa talaga sila nag-usap?!
"Naniwala ako sayo... Pinatawad kita... Pero ano?! Lolokohin mo na naman ako?! At tangina! Kay Pia na naman?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nanggigigil talaga ako sa galit.
"Kelly, Makinig ka sa akin..." Lumapit si Kurt para hawakan ang kamay ko pero agad ko ring binalikwas iyon.
"Wag mo akong hawakan! At ikaw ang makinig sa akin! Nagtiwala ako sayo! Binigyan kita ng second chance pero ito na naman ba ang ibibigay mo sa akin?!"
"Kelly, nagkakamali ka!" Protesta niya.
"Alam mo, napakapaasa mo eh! Bakit ganon ha?! Iniiwan mo ako kung kailan nahuhulog na ako sayo! Kung kailan mahal na kita saka mo ko iniiwanan sa ere! Congratulations ha! Nasaktan mo na naman ako!"
"Kelly, its not what you think it is! Hindi—-"
"Please naman, Kurt!!! Wag mo na akong gawing tanga! Tama na! Ayokong marinig ang kahit na anong sasabihin mo! Manloloko ka! Sinungaling!" Sigaw ko at pagkasabi ko nun ay tumakbo na ulit ako palayo sa kanya.
Nag-uunahan na naman sa pagbagsak ang mga luha ko. Bakit lagi na lang niya akong niloloko?! Naiinis ako! Naiinis ako sa kanya! Naiinis ako sa sarili ko kasi nagtiwala na naman ako sa kanya!! Argh!!!
**************************************************************
Alas syete na pero hindi pa rin ako umuuwi. Ayokong umuwi na ganito ang itsura ko. Magang maga pa ang mga mata ko at sobrang haggard ng itsura ko. Hindi ako pwedeng makita nina Mama at Papa na ganito.
Itinext ko na lang sila na gagabihin ako ng uwi dahil may tinatapos pa ako na student council activity pero syempre, hindi yun totoo dahil andito ako ngayon kina Cheska.
"Best, eto tubig oh. Uminom ka muna." Sabi ni Cheska sabay abot sa akin ng baso ng tubig. Agad ko naman iyong kinuha at uminom.
"Nakakaloka! Mukha kang batang lansangan! Ano ba kasi nangyari?! Nag-away na naman ba kayo ni Kurt? Parang sobra naman ata?"
"Wala na, best... Ayoko na siyang kausapin. Ayoko siyang makita. Ayoko na... Manloloko siya..." Mahina kong sabi.
"Wait...Teka, you mean hindi lang to basta tampuhan?! Nag-away kayo ng bongga?! Tsaka anong manloloko?! Anong ibig mong sabihin?!" Naghihysterical na sabi ni Cheska.
BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Fiksi Remaja"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!