EPILOGUE

5.1K 95 4
                                    

“Torres, Kelly Starr. Bachelor of Arts in Fashion Design. Cum Laude!” Announce ng emcee at saka ako umakyat sa stage.

Nginitian ako ni Mama at Papa na kasalukuyang katabi ko. Nang makaayat kami ay kinamayan namin ang isa sa mga professor ko pati na ang dean at ibinigay nila kay mama ang medal na isusuot sa akin.

“We are so proud of you, anak.” Sabi ni Papa at ngumiti lang ako bilang sagot.

Isinuot sa akin ni mama ang medal at niyakap nila ako. Pagkatapos ay humarap ako sa audience para mag-bow.

Kahit maraming estudyante, napatingin agad ako kay Kurt na masayang nakangiti habang pinipicture-an ako gamit ang cellphone niya. Napangiti ako. Bibigyan ko na talaga siya ng Best Supporting Fiance Award.

Nang bumaba kami sa stage ay agad din akong bumalik sa pwesto ko.

Dalawang taon na ang nakakalipas simula noong magpropose ulit sa akin si Kurt. Sobrang dami nang nagbago at masasabi kong mas mature na kami ngayon. Malayong malayo na nga siguro ako sa Kelly na hindi gumagawa ng assignment nung highschool.

Napagdesisyunan namin ni Kurt na tapusin muna ang graduation bago namin ituloy yung kasal. Actually, lately kasabay ng school requirements ay naging busy rin kami sa preparations para sa darating na kasal next week.

Halos 7pm na rin nang matapos ang graduation rites at nagdinner ang pamilya namin kasama ang sina Kurt, tuwang tuwa sina Mama at Papa dahil natupad namin ni Kurt ang pangako namin na magfofocus muna kami sa pag-aaral bago magpakasal.

“Tita, Tito, pwede ko po bang hiramin si Kelly. May regalo po kasi ako sa kanya na nakahanda. Wag po kayo mag-alala, ihahatid ko rin po siya pauwi.” Sabi ni Kurt matapos naming kumain. Ano naman kayang pakulo niya?

“Sige, iho. Mag-iingat kayo at wag masyado magpapagabi ah.” Sabi ni Papa.

“Opo, Tito.” Sagot niya at ngumiti siya sa akin na tila excited.

- - -

Akala ko naman kung saan kami pupunta pero nagulat ako nang magpark kami sa condo ni Kurt. Ano namang gagawin namin dito? Naiwan niya kaya sa unit niya yung regalo niya sa akin.
Tahimik ko siyang sinundan papasok sa lobby pati na sa elevator.

“Babe, naiwan mo sa condo yung regalo mo sa akin?” Tanong ko pero instead na sumagot ay ngumiti lang siya ng nakakaloko sa akin.

Medyo kinabahan ako, ayoko mang isipin ito pero… alam naman ni Kurt na hindi pa ako handa.

Nang makarating kami sa 15th floor ay dumiretso kami sa pinakadulong unit.

•1505•

Napatingin ako sa gold plate na nasa pintuan niya habang busy siya sa paghahanap ng susi sa bag.

“Ready ka na ba?” Tanong niya at halos nanlaki ang mata ko. Anong ibig niyang sabihin?!

Napayakap ako sa sarili ko habang di makapaniwalang nakatingin sa kanya. “H-Hindi pa ako ready.”

Agad siyang napatingin sa akin and he bursted into laughter. “That’s not what I meant, Babe. Ibig kong sabihin, handa ka na ba sa regalo ko?”

“Ahhh! Hindi mo kasi nililinaw eh! Oo, ready na ko.” Hay nako, hindi talaga siya nauubusan ng surpresa.

“Ipikit mo na ang mga mata mo.” Sabi niya at sinunod ko naman ito.

Narinig ko ang pagbukas niya sa pintuan at inalalayan niya ako papasok sa unit niya.
“Open your eyes.” Pagkasabi niya nun ay dahan dahan kong binuksan ang mata ko.

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon