| KELLY'S POV |
"Alam mo, best, kapag nakita ko talaga siya... BABALATAN KO SIYA NG BUHAY!! So talagang okay lang sa kanya na hindi kami okay?! Hindi man lang niya ako susuyuin?!" Galit na galit kong sabi kay Cheska.
"Akala ko ba, ayaw mo na sa kanya eh bat ka nagkakaganyan?!" Sagot niya sabay kagat sa doughnut niya.
"Kasi, best... Ang ikinapuputok ng buchi ko eh ganon ganon na lang yun?! Nag-away kami, hindi kami okay tapos biglang maghahanap na lang siya ng ibang 'bride'?! Aba! Anong akala niya? Porket gwapo siya pwede na lang siya basta basta maghanap ng mapapangsawa niya?!"
Bahagyang natawa si Cheska. May nakakatawa ba?! "Alam mo best, nakakatawa ka talaga! Sinasabi mong wala ka nang pakialam pero deep inside, may pake ka naman talaga. Alam mo magandang gawin?! Sumali ka ulit dyan sa Search for the bride!"
"Nagpapatawa ka ba, best?! No way!!! Never again!!! Hindi na ako sasali sa kalokohang yan!!"
"Ayy wait. Mali pala, hindi pala 'The Search for the bride' iniba na nila yung title eh. 'The Search for MY bride' na nga pala ang title."
"The Search for MY bride?! Ewwww!! Ang gay ha!! Nakakainis! My bride, my bride?! Napakalandi!" Sabi ko sabay irap. Kainis talaga!
"Ang bitter mo!! Hahahaha!" Natatawang sabi ni Cheska. Nakakainis kasi talaga eh! "You know what, bukas na sila mamimigay ng flyers about sa mechanics ng contest! Gusto mo pumunta tayo?"
"Nang-aasar ka ba talaga ha?!" Iritado kong sabi kay Cheska pero patuloy pa rin siya sa pagtawa na parang baliw habang kumakain ng doughnut! Hay nako!!
"Chill ka lang, best!"
"Ewan ko sayo! Uuwi na nga ako! Kita na lang tayo sa school bukas!" Sabi ko at kinuha ko na ang bag ko sa kama ni Cheska at umuwi na.
Nako! Naiinis pa rin ako kay Kurt! Argh!! Ang kapal ng mukha niyang magpacontest ulit!! Kapag talaga nakita ko siya sa school bukas, babalatan ko siya ng buhay—-OH SHIT!! Naalala ko.... MAY MEETING NGA PALA ANG LEAGUE OF PRESIDENTS BUKAS!!!!!
**************************************************************
Nakatulala lang ako sa powerpoint na dapat ginagawa ko pero hindi ko magawa dahil naiisip ko na naman yang lintek na Search for MY bride na yan! Ang kapal talaga ng mukha ni Kurt para magpacontest eh no?!
Nabubwisit talaga ako!! Argh!!!
"Best!!!" Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ng pagkalakas lakas ang pintuan sa office. Grabe! Akala ko OA na ako, mas OA pa rin talaga tong bestfriend ko! Ano namang nangyari sa bruhang to?
"Uy! Ano ka ba! Pwede ka naman kumatok! Nakakaloka ka naman, best! Ano bang nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya. Nakatayo lang siya sa harap ng desk ko at tila ba naghahabol ng hininga. "Saan ka ba galing? Bat ka nagtatatakbo papunta dito?"
BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Fiksi Remaja"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!
