| KELLY'S POV |
Isang linggo na ang lumipas simula nung kasal. Isang linggo na ring comatose si Kurt. Hindi na ulit muna ako bumalik sa ospital simula nung napanuod ko yung interview ni Pia. Umaasa lang ako sa mga chismis sa akin ni Cheska tungkol sa kalagayan ni Kurt na nasasagap niya kina Sander at Alex.
Nitong mga nakaraang araw daw, hindi gaanong responsive ang katawan ni Kurt although okay pa rin naman ang vital signs niya. Si Pia, nagbebed rest na lang sa bahay. Papasok na rin ata siya sa mga susunod na araw.
Naasikaso na rin nila Papa ang mga kailangan kong papeles papuntang Canada. Doon muna ako magsestay sa Tita ko sa Canada. Isang siya highschool teacher dun kaya mabilis ring napaprocess yung application ko dun. Yun nga lang since hindi magkaparehas ang curriculum dito at sa Canada, kailangan ko ulit kumuha ng isang buong term doon bago ako makagraduate ng highschool. Okay na din, para makapagsimula ulit ng maayos.
Sinabi ko rin kina Mama at Papa na aalis lang ako kapag nagising na si Kurt. Kaya open ticket lang yung binook namin sa airlines. Simula din sa susunod na araw, hindi na ako papasok kasi lilipat na rin naman ako. Inaantay ko lang mga documents na kailangan ko.
"Best, ready ka na?" Tanong ni Cheska. Naglalakad kasi kami papunta sa room. Sasabihin ko na sa mga kaklase ko na aalis na ako at ililipat ko na lahat ng mga duties ko as president kay Jessie na siyang Vice Pres.
"Yup." Sagot ko at ngumiti lang ako.
Pagpasok namin sa room, halos lahat ng kaklase ko andun na. Wala pa ring teacher kaya agad akong pumunta sa harap at tumayo sa platform.
"Classmates!!!!!" Sigaw ko at agad naman silang napatingin sa akin. Tumahimik agad sa loob ng room.
"Uhm... May sasabihin lang sana ako.." Napatigil ako at napatingin sa kanila. Grabe, 4 years kong kasama tong mga to, mamimiss ko sila!! "Uhhh.. Kasi...Sa mga susunod na araw, hindi na ako papasok kasi pupunta na akong Canada.." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Agad na nagsimula ang bulung-bulungan nang sabihin ko yun.
"Kelly, bat ka aalis?! Hindi ka ba sasabay sa pagmarcha namin sa March?!" Tanong ng isa kong kaklase.
"Gustuhin ko man... kaso... mahirap eh. Basta alam ko kailangang lumayo muna ako." Ayokong magdrama sa harap nila at nakakahiya! Kaya pinipilit ko pa ring ngumiti.
"Pero paano kami? Wala kaming president! Di ka pwedeng umalis!" Sigaw naman ni Mark.
"Ililipat ko naman lahat ng gawain kay Jessie. Alam ko naman hindi niya kayo pababayaan tsaka..."
"Sinong nagsabing papayag ako? Paano kapag umalis ka?! Sinong bubully-hin ko?!" Sabat naman ni Jessie.
"Uhhh.. Si Cheska?" Biro ko at bahagya naman silang natawa.
"Kelly, do you really have to do this?! Bakit naman agad agad yung pag-alis mo?!" Syempre, ayan na naman si Ringgo na galit na galit at affected.
BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Teen Fiction"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!