| KELLY’S POV |
Saturday. 3:14pm.
Ang sakit sa bangs nitong projectile Launcher na to ha! Nababaog na ako >.< Bakit ba kasi ayaw niyang gumana? Sinunod naman namin ni Cheska yung procedures na binigay ni Santi.
“Nakakapagod na ha! Naiinis na ako dito sa launcher na to! Bakit ayaw pumutok? Ayaw lumabas ng bola! Nakakainis! Bakit ba kasi ganito pinaproject ni sir sa atin eh!” Pagrereklamo ko.
“Hay nako, BFF! Chillax! Kalma! Sige ka papangit ka niyan!” Kalmadong sabi ni Cheska, hindi ko alam kung paano niya natitiis na maging kalmado sa mga nangyayari.
“Kalma? Eh halos 3 hours natin binuo yang launcher tapos biglang hindi gagana?! Argh!”
“Nako ha! Baka mamaya maghalimaw ka na niyan!”
“Maghahalimaw na talaga ako pag hindi pa rin gumana yan!” Andito kami ngayon sa school grounds, dito sa may damuhan. Saturday ngayon at walang pasok kaya naisipan namin na ngayon gawin tong project. Kanina andito si Santi pero umalis siya sandali, dumaan ata sa principal’s office. Vice President kasi siya ng student Council.
“Ang tagal naman bumalik ni Santi! Kainis!” Badtrip na talaga ako. Ugh!
“Uy! Eto naman oh, walang mangyayari sa atin kung mababadtrip ka lang dyan! Tulungan mo na lang ako, ayusin ulit natin.”
“Sige na nga!” Pasinghal kong sagot.
Tinignan ulit namin ni Cheska kung nagawa namin ng tama yung mga procedures, Nung nasa kalagitnaan na kami ng pag-aayos, biglang dumating si Santi…
“Buti naman dumating ka na! Ayaw kasi gumana eh.” Reklamo ko ulit.
“Ha? Bakit? Sinunod niyo ba yung procedures?”
“Oo, kaso ayaw niya pumutok. Hindi lumalabas yung bola.”
“Ganon ba? Patingin niya.” Iniabot namin ni Cheska sa kaya yung projectile launcher tapos siya ang nagcheck at nag-ayos kung may mali. Salamat naman, nakapagpahinga rin kami ni Cheska. Grabe ang hardcore nung project na yun. Ang hirap buuin, inabot kami ng mahigit 3 hours sa pagbuo.
Nung tapos na kalikot-kalikutin ni Santi yung launcher, naglakad siya papalayo sa amin ni Cheska, pumosisiyon siya na para bang babaril siya. I-tatry na ata niya kung gumagana yung launcher.
1….2….3
*BOOM!*
O_____________O OHMYGODDDD!!! GUMANA!! GUMANA NA YUNG LAUNCHERRRRR!!! \:D/
“WAAAAAH!! ANG GALING MO SANTI!” Sabay na sigaw namin ni Cheska.
“Hindi ako magaling, may nakalimutan lang ata kayo ilagay. Eto oh, yung maliit na pipe dito pero okay na to. Gagana na to, ipasa niyo na sa Monday para mapirmahan na yung clearance niyo.” Sus! Pa-humble pa tong si Papa Santi!
BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Novela Juvenil"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!
