Chapter 23: Vague thoughts

3.7K 70 2
                                        

| KELLY'S POV |

 

Friday. 5:16pn

"You don't have to do this." Giit ko.

"Wag ka na makulit, Kelly! Magagalit si Kurt kapag hindi ka namin inihatid." Sabi naman ni Sander. Ang kulit naman kasi nina Alex at Sander eh. -.- Ihahatid daw nila ako sa bahay dahil ipinangbilin ako ni Kurt sa kanila.

"Sige na girl! Magpahatid ka na. Pinapabalik kasi ako ni Sir Guevarra sa pool area. Pag-uusapan yung magiging grade natin." Sabi naman ni Cheska.

"Ganon ba.. Sige na nga." Wala na rin akong nagawa dahil wala na akong choice tsaka ang kulit nitong dalawa na to.

Andito pa kami sa clinic, inaayos ko pa yung gamit ko. Nauna na ring umalis si Cheska kasi inaantay daw siya ni Sir.

"Grabe! Galit na galit si Mira kanina." Sabi ni Alex.

"Kaya nga eh. Panigurado away yun!" Sabi naman ni Sander.

"Pero nakakatakot si Mira! Ang OA! Galit na galit! Para niligtas lang ni Kurt si Kelly eh. Hindi ako magpapakasal sa ganon, bro!" -Alex

Narinig kong tumawa lang si Sander.

"Tara na." Sabi ko. Naayos ko na din yung gamit ko.

Matapos akong i-check ulit ng school doctor, pinayagan na akong lumabas. Sinabihan lang ako na magpahinga na sa bahay.

Habang naglalakad kami palabas ng campus, pinagtitinginan kami ng mga tao. Bukod kasi kay Kurt, sikat din naman sina Alex at Sander kaya di na ako nagtataka kung bakit magkakaibigan sila.

"Iba ata ang tama sayo ni Kurt, Kelly." Out of nowhere, sinabi iyon ni Alex.

"Anong pinagsasabi mo?!" Sabi ko.

"Basta! Iba siya sayo! Matagal na namin siyang kaibigan pero ngayon lang siya naging ganyan." Sabi naman ni Sander.

"Ewan ko sa inyo." Sabi ko na lang.

"Ay! Maliban kay Bea." Mahinang sabi ni Sander. Hindi ko alam kung bakit pero may kurot akong naramdaman sa puso ko nung narinig ko ang pangalan niya...

Bea...

 

Ano ba naman tong nararamdaman ko? -__- Selos?

*********************************

| MIRA'S POV |

 

"Teka nga!" Sigaw ko at hinila ko yung braso ko na hawak ni Kurt. Andito na kami ngayon sa parking lot.

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon