Chapter 26: Kurt's Decision

3.9K 77 1
                                        

| KELLY’S POV |

“Ma?” Pumasok ako sa kwarto ni mama, wala siya sa kama. Napatingin ako sa pintuan papuntang terrace at nakita ko siyang nakaupo.

Pumunta ako sa terrace, napansin siguro ako ni mama kaya napalingon siya.

“Kelly, Anak..” Sambit niya at umupo ako sa tabi niya.

“Okay ka lang ba, Ma?” Hindi kasi ako sanay sa ganito para kasing ang lungkot niya.

“What made you think na hindi ako okay? Of course, I’m okay.” Naramdaman ko na bigla na lang ako niyakap ni mama. Is she really okay? Ang weird niya ata ngayon.

Hinayaan ko lang muna siya na yumakap sa akin. Hihihi. Namiss ko rin tong ganito :3 Sayang tulog na si Nicole, hindi siya kasama sa yakapan namin nila mama.

“Namimiss ko lang ang papa mo..” Mahinang sabi ni mama bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot.. Matagal pa kasi bago ulit magbakasyon dito si Papa.

“Miss ko na rin siya, Ma.” Naramdaman kong humigpit ulit ang yakap ni mama. Kaya ba weird siya ngayon kasi  namimiss niya si Papa?

“Aalis ka bukas, tama ba?” Biglang sabi ni Mama. Paano niya nalaman?

“Opo. Paano niyo po na—“

“Tumawag si Mr. Salazar, sinabi niya na bukas niyo na daw malalaman yung resulta ng contest.”

I faked a smile. Oo nga pala, bigla kong naalala na bukas na nga pala yun. I don’t have to worry, anyway. I’m sure naman na hindi ako pipiliin ni Kurt tsaka who cares di ba? Isa pa, magkaaway kami ngayon. Nabibwisit pa rin ako sa kanya dahil sa ilang beses niyang pagpapahiya sa akin sa harap ng maraming tao.

“Goodluck, Kelly. Whatever the result is, just remember that I’ll always be here for you. Susupotahan kita all throughout. Okay?” She smiled sweetly.  I guess I’m the luckiest girl in the world for having a mom like her.

“Thank you, Ma.” Niyakap ko ulit siya, mas mahigpit this time.

***************************************************

Pagkatapos ng pang-isang libong damit na sinukat ko, nakampante na rin ako sa suot ko.  Bakit nga ba nag-aayos pa ako? -.- Badtrip naman oh!

“Kelly, eto na yung maleta mo.” Pumasok bigla si mama sa kwarto ko dala ang maleta.

“Bakit may maleta?? Ma! Ano ka ba? Hindi naman ako aalis dito no! Tsaka hindi ako pipiliin ni Kurt! Itabi mo na yan, Ma!”

“Sus! Malay mo! Basta, dito na muna to.” Lumabas din agad si mama sa kwarto ko.

Tss. I’ll just have to get over this night para matapos na lahat.

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon