| KELLY'S POV |
Nagstay pa muna kami ni Cheska sa ospital, bumili rin ng pagkain sina Alex at Sander para sa amin. Tahimik kaming kumakain nang biglang buksan ni Alex ang TV.
"Natagpuang bangga ang sasakyang gamit ng anak ng may-ari ng Chancellor Group of Companies na si Kurt Jensen Salazar, ilang oras bago ang kanyang kasal. Hininalang tumakas ito sa kasal dahil di-umano may kasama itong ibang babae sa sasakyan nang maganap ang aksidente. Nagpapatrol, Ginger Conejero..."
"Narito po tayo para makapanayam ang street sweeper na nakakita ng aksidente. Uhh.. Nakita niyo po ba kung sino yung babaeng kasama ni Mr. Salazar?"
"Opo at base sa itsura nung babae, hindi yun yung nanalo sa Search for the Bride na ipinikita sa TV dati."
Nagulat na lang ako nang patayin ni Tito John yung TV.
"I'm sorry... H-Hindi ko lang kaya makita na pinagpepiyestahan ng media itong nangyari kay Kurt tapos parang pinapalabas pa nila na may ibang babae ang anak ko. Isn't too early to jump into conclusions? Ni hindi nila nainterview si Pia Guidotti para malaman ang totoo." Galit na sabi ni Tito John. Hindi ko rin naman siya masisi. Tama rin naman siya, masyado pang maaga para maghinala. Sana lang... magising na si Pia para mabigyan kami ng kasagutan.
"I wasn't able to control the situation. Sa sobrang pag-aalala ko kay Kurt, hindi ko na naasikaso ang media, yan tuloy at pinagpepyestahan nila ang nangyari."
"Hayaan niyo na, Tito. Wag na lang po natin pansinin. Hinatayin na lang po natin na magising si Pia at si Kurt. Sila lang ang may hawak ng mga sagot sa tanong natin." Sabi naman ni Sander
"Osiya, bukas.. we'll go back to normal... Sobrang daming nangyari these past few days kaya naman, magpahinga na kayo.. Bukas, may pasok pa kayo sa school. You don't have to worry about Kurt. Andito naman si Martha para alagaan siya and I'm sure, ayaw ni Kurt na makita kayong nag-aalala masyado sa kanya. Lalong lalo ka na, Kelly... magpahinga ka muna then bukas after school, pwede mo na siya bisitahan. Masyadong maraming nangyari kahapon at ngayon and you deserve a good rest."
"Pero Tito...Ayoko po sanang iwan si Kurt..."
"Kelly, just for today.. Magpahinga ka na muna. Alam kong pagod na pagod ka kahapon. Hayaan mo, you can visit naman tomorrow and as I said, andito si Martha para alagaan siya. We all have to go back to normal. Kahit ako... marami pa akong aayusin sa kumpanya. We deserve a good rest at sigurado akong yun din ang sasabihin sa atin ni Kurt pagnagkataon." Sabi ni Tito at sumang-ayon naman sa kanya sila Cheska. May point naman si tito at naiintindihan ko siya...
Nagstay pa muna kami ng ilang oras dun, nakaupo lang ako sa gilid ng kama ni Kurt at nakatingin sa kanya habang hawak ang kamay niya..
"Gumising ka na, Kurt.." Mahina kong sabi sa kanya. Ang dami dami kong gustong itanong sa kanya...Gusto ko siyang mayakap...makausap...
"Kelly?" Napalingon ako bigla nung tawagin ako ni Cheska.
BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Novela Juvenil"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!
