| KELLY'S POV |
Ilang beses ko na nararamdaman ang pagvibrate ng phone ko pero ayoko pang i-check yun kasi gusto ko pa sanang matulog...
Nararamdaman ko pa rin ang lamig ng kwarto pati na ang lambot ng comforter ko, maliwanag na rin at ramdam ko ang paminsa'y pagtama ng araw sa mukha ko. Ang sarap ng umaga kapag laging ganito.
Dahan-dahang akong dumilat at tama ako, maliwanag na nga at maaraw. Kitang kita ko iyon sa glass door na katabi ng kama ko. It's a beautiful and bright Sunday.
Tila ba nakikisama ang panahon sa mood ko ngayon. Ang gaan sa pakiramdam ng ganitong panahon at dahil dyan mas lalo kong naramdaman na handa na ako para sa araw na to.
Naisip ko 'this would be a perfect day'... Isa na ata to sa pinakamasayang araw sa buong buhay ko dahil ngayon...
Ang araw ng kasal ko.
Bumangon ako agad sa kama at nag-inat. Chineck ko rin muna ang phone ko. Ang dami ko na agad nareceive na mga texts pero isa lang muna ang binasa ko...
From: Kurt <3
Good morning, love :* Rise and shine! I'll see you in the altar. I love you :)
Napangiti ako sa text ng soon-to-be-husband ko. Mamaya haharap na kami sa altar para sabihin ang panghabangbuhay naming pangako sa isa't isa. Grabe! Dati sa movies ko lang to napapanuod pero ngayon...ako na mismo ang nakakaexperience!
Maya maya lang, bigla nang tumawag si mama para sabihing maghanda na daw ako dahil malapit na sila sa hotel na pinagsestay-han ko. Oo, wala ako sa mansion ng mga Salazar. Dahil ayon kina mama at papa, may kasabihan na hindi daw pwedeng magkita ang bride and groom bago ang araw ng kasal. Ewan ko rin kung bakit e! But anyway, magreready na ako!! Excited na talaga ako!! Hihihi <3
Nagparoom service lang ako ng para sa breakfast ko at agad ding kumain pagkatapos nun, naligo na ako.
********************************************************
"Hindi ako makapaniwala na ikakasal na, friend!! Grabe lang!! Hindi ko rin ineexpect na magiging maid of honor ako sa edad na 17!! Naloloka ako sa mga nangyayari pero I'm so happy for you, Kelly!!!" Masayang sabi ni Cheska. Ewan ko ba dito! Magkikita rin naman mamaya, tumawag pa sa akin. Hahaha! HashtagClingyfriend!
"Loka ka talaga! Eh kung hindi rin naman dahil sayo, hindi rin ako ikakasal sa edad na 17! Hahaha!"
"Hala! Bakit ako?!" Nagtatakang tanong niya.
"Nakalimutan mo na ba? Pinilit mo akong sumali sa Search for the bride!"
"Ayy!! Oo nga pala!! Hahaha! Sayang no? Kung di kita pinilit, ako siguro ang pakakasalan ni Kurt tapos ikaw yung maid of honor? Hahahahhahah! Charot lang, Kelly-Kelly!"
BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Novela Juvenil"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!
