| KELLY'S POV |
"Tag-gutom ka ba, Kelly?" Nagtatakang tanong ni Kurt sa akin.
"Hindi pero kailangan ko ng lakas!" Sagot ko sa kanya.
"Kung ibang babae lang siguro, hindi siya kakain dahil bida siya sa play pero ikaw? Hindi ka ba namomroblema na baka hindi magkasya yung costume mo?"
"Hindi. Ano bang mas importante magutom ako o magkasya yung costume ko?" Sagot ko habang ngumunguya ng pancakes. Natawa lang siya ng konti at kumain na lang rin.
Ngayon na ang araw ng play at kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan na ako!! Kahapon kasi pagpasok namin ni Kurt, nagulat na lang ako na nakadikit na yung mga posters para sa play T___T Pakiramdam ko natatae na ako sa kaba!! Kaya nga eto, dinadaan ko nalang sa kain tong kabang nararamdaman ko.
"Dahan dahan naman, baka mabulunan ka. Hahaha!" Sabi ni Kurt habang inaabot sa akin yung baso ng tubig.
Pagkatapos kong kumain, pumunta ako sa kusina para maghugas ng kamay nang bigla kong mapansin na wala na yung singsing ko. Eh?? Saan naman kaya napunta yun? -_- Lagot ako nito kay mama eh!
"Kelly, tara na." pagyaya ni Kurt sa akin.
"Nakita mo ba yung singsing ko? Nawawala eh."
"Ha? Anong singsing? Yung galing sa lolo mo?"
"Oo. Nako! Yari talaga ako kay mama pagnalaman niyang nawala ko yun."
"Baka naman nasa banyo mo?" Hmm, sabagay tinatanggal ko rin yun kapag naliligo.
"Hmm. Baka nga." Hayaan na nga! Mamaya ko na hahanapin baka malate na kami ni Kurt eh.
Paalis na kami ni Kurt nang makasalubong namin si Tito John sa living room. Mukhang hindi siya papasok sa office kasi nakapantulog pa siya.
"Mag-iingat kayo sa pagpasok ha? At galingan mo mamaya, Kelly." Sabi ni Tito John
"Opo, tito! Salamat po."
"Oo nga pala, kapag medyo maaga kayong umuwi. Pumunta kayo sa office ko, may paguusapan tayo." Ano naman kaya yun?
"Sige, Dad. Uhm..Una na po kami." Paalam ni Kurt tapos umalis na rin kami.
**********************************************************
"Sana kainin ako ng lupa at mawala nang parang bula." Sabi ko kay Kurt. Paano naman kasi, nakikita ko na namang nakabalandra yung mukha ko sa mga poster. Sobrang minadali kasi namin yung photoshoot para sa poster tapos dinala na lang sa editing.
"Hahahah! Maganda ka naman sa picture ah? Kaso mas maganda ka nga lang kung ako yung kasama mo diyan sa picture hindi yang ulupong na yan." sabi ni Kurt sabay duro sa mukha ni Santi sa poster.
BINABASA MO ANG
The Search for the Bride (Complete)
Teen Fiction"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing to cross the threshold to be Kurt's wife? If yes, then may the best girl wins!
