Chapter 39: Kelly's Birthday (Part 1)

2.6K 53 0
                                        

| KELLY'S POV |

 

Hindi ako makatulog...

Hindi ko alam kung naeexcite ba ako o kinakabahan o sadyang di lang ako makatulog sa ingay na naririnig ko mula sa kabilang kwarto.

Gabing gabi na pero ang iingay pa rin nila Alex, Sander at Kurt. Nasa kwarto na ako pero rinig na rinig ko pa rin ang sigawan nilang tatlo mula sa kwarto ni Kurt. Totoo ba?! Wala ba silang balak na matulog?

Dito kasi mag-oovernight sina Alex at Sander para sabay sabay na daw papunta sa party bukas. Yes, BUKAS NA ANG BIRTHDAY PARTY KO!!! Kaya nga kanina pa ako di mapakali dito sa kama. Kanina pa ako paikot-ikot at pagulong gulong. Pakiramdam ko kasi magdedebut ako. Alam niyo yung ganon feeling?

Tumayo ako sa kinahihigaan ko at dumiretso sa kwarto ni Kurt.

Kumatok ako at binuksan ang pinto. Pagpasok ko, nakita kong nakasalampak sa sahig si Alex habang nakaharap sa laptop, si Sander naman nasa kama at naglalaptop din, si Kurt naman nasa computer table. Wala pa rin silang tigil sa kakalaro ng LOL.

"Oh? Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ni Kurt habang busy pa rin sa kalalaro. Napansin niya siguro na nasa may pintuan ako.

"Shit!!! Heal naman, Sander! Malapit na ako mamatay!" Sigaw ni Alex

"Mag-recall ka na lang! Malapit na manalo oh! Tore na lang sa nexus! Teleport ka nalang sa wards!" Pasigaw namang sagot ni Sander.

"Tangina niyo! Dali na! Push na! Baka bumaliktad pa to!" Sigaw naman ni Kurt.

Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi nila tsaka kailangan talaga nagsisigawan sila? Intense na intense ang nararamdaman? Kakaloka!

"Yuuuuuuun!!! Wuuuuuuh!!!" Nagulat na lang ako nang bigla silang sumigaw na tatlo! Ano ba yan! Parang mga baliw!

"Hahahaha! Shit! Muntik pa matalo!" Sabi ni Sander.

"Buti na lang magaling ako!!" Sabi naman ni Alex.

"Lul! Ako kaya magaling! 24/6! Panis!" sagot naman ni Kurt.

"Wala eh! Kung gamit ko si Kata, mas imba ako!" -Alex

"Ehem!" Pagpaparinig ko. May ibang tao no? Invisible ba ako?

"Oh, Kelly! Bat gising ka pa?" Tanong ni Alex

"Sa tingin niyo ba makakatulog ako sa ingay niyong tatlo? Grabe! Ang lakas ng sigaw niyo! Nakakaloka!"

"Ganon talaga, Kelly. Lalo na't ranked game yung laro namin." Sabi naman ni Sander.

"Alam mo, magpahinga ka na. Sige ka, magkakaeyebags ka bukas! Nako! Marami pa namang tao sa birthday party mo." Sabi naman ni Kurt. "Sige na, hindi na kami sisigaw para makapagpahinga ka. Tara na." Sabi niya at inakay niya ako palabas sa kwarto niya.

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon