Chapter 5: Registration.

4.5K 81 1
                                    

| KELLY'S POV |

Pabalik na kami ngayon ni Cheska sa room. Magta-time na kasi eh matatapos na lunch break. 3 days na simula nung nagstart ang klase namin. Ang bilis talaga ng mga pangyayari -___-

Pagpasok namin sa room bigla naman kaming sinalubong ni Jessie. Para bang kanina pa nila kami inaantay na pumasok sa room. Kasama niya ngayon yung mga alepores niya. Psh. Ano na namang trip to?

"AKSKYUSME KELLY!"

"Ano na naman to, Jessie? Wala ako sa mood makipag-away sayo."

"Well, I heard nung enrollment nilapitan ka daw ni Kurt. Anong namamagitan sa inyong dalawa?!"

"Kapag nilapitan, may namamagitan agad sa amin? Hindi ba pwedeng may sinabi lang?"

"Kung ganon, anong sinabi sayo ni Kurt?!" Aish. Bakit ba lahat na lang pinakekealaman nitong si Jessie.

"Bakit ko sasabihin sayo?"

"Kasi ako ang president ng fans club ni Kurt!" Maarte niyang sabi.

"Oh? Dati si Santi ang gusto mo! Ngayon si Kurt na?! Ang bilis mo naman magpalit!"

"AKSKYUSME! Hindi ako nagpalit! Akswally, ako ang president ng fans club nilang dalawa!! Ano ba! Sabihin mo na lang kasi kung anong sinabi sayo ni Kurt eh."

"Ang sabi niya sa akin...." Tumahimik...tumahimik sa loob ng classroom. Inaantay nilang lahat yung sasabihin ko.

"WHAT?!?!" Iritang irita na sabi ni Jessie.

*TOK TOK TOK* Biglang may kumatok sa room... Binuksan naman ng kaklase ko yung pintuan.

O________O --> Itsura naming lahat nung nakita namin yung taong kumatok.

KURT?!?!?!?! ANONG GINAGAWA NIYA DITO?! 

Bahagya siyang pumasok sa room namin. Tahimik pa rin ang lahat pero halata naman sa mga babae kong classmate na pinipiligan nila ang kilig na nararamdaman nila. Yung iba mukang ma-iistroke na sa sobrang pagpigil ng kakiligan nila.

"May I excuse your class president?"

Nagtinginan lahat ng kaklase ko sa akin. Sa maniwala kayo o sa maniwala na lang kayo dahil wala naman kayong choice, ako ang class president simula pa nung 1st year highschool kami hindi dahil sa matalino ako kundi sa kadahilanang ako ay kalahating tao kalahating amazona at hindi ko alam kung bakit andito tong mokong na to.

"Hi Kurt! How about ako na lang?!" Sabi namin ni Jessie sabay pacute kay Kurt.

"Bakit? Ikaw ba class president?" Aruuuuy! Basag! Medyo pahiya si Jessie -_- Sama talaga nitong mokong na to.

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon