Chapter 43: The Aftermath (Part 1)

2.6K 48 0
                                    

| SANDER'S POV |

"Hindi ko pala kayang makakita ng ganon, bro." Seryosong sabi ni Alex. "Sobrang kawawa si Kelly." Dagdag pa niya.

Mag-aalas dose na ng madaling araw. Naihatid na namin sila Kelly sa bahay nila kaninang mga 10 at ngayon naman, nasa sasakyan kami ni Alex papunta kami kina Kurt para makibalita kay Tito John.

"Gago talaga yung si Kurt. Saan naman kaya siya nagpunta?" Tanong ni Alex.

"Di kaya may nangyaring masama? Kasi diba sabi naman niya kanina bago siya umalis na pumunta tayo sa simbahan which means... pupunta rin siya sa simbahan."

"Sabagay.. Isa pa, hindi naman siguro sasadyain ni Kurt na di siputin si Kelly. Mahal niya yun eh! Pero grabe, nasaan na kaya siya? Nag-aalala ako sa gagong yun."

Mabilis ang byahe at nakarating agad kami sa mansion ng mga Salazar. Naabutan namin si Tito John na may kausap sa phone.

"Ano? May balita na ba kayo?" Tanong ni Tito sa kausap niya sa phone. Sandali siyang nag-pause at tila ba nagulat siya sa sinabi nung kausap niya. "T-Teka.. Anong... Nabangga?!?!?" Gulat na tanong ni Tito at napaupo pa siya sa upuan.

"Nabangga?" Nagtataka namang tanong ni Alex.

"Oh sige sige. Papunta na ako dyan." Agad na ibinaba ni Tito ang telepono. Halata sa mukha niya ang pag-aalala. Kinabahan tuloy ako... Nabangga?

"Tito, ano pong balita?" Tanong ko kay Tito John.

"Si Kurt..." natigil ng sandali si Tito na para bang nag-isip pa... "Si Kurt...nabangga."

"NABANGGA PO SI KURT?!? PAANO?!?" Gulat na gulat na tanong ni Alex. Nako! Sabi ko na eh! Hindi basta bastang di sisipot si Kurt sa kasal.

"T-Tara na sa ospital. Magpapalit lang ako ng damit." Nagmamadaling sabi ni Tito pero bago pa man siya tuluyang umakyat para magpalit... "Teka, m-meron daw kasama si Kurt sa sasakyan. May kilala ba kayong.... Pia Guidotti?"

Nanlaki ang mata ko sa pangalang binanggit ni Tito John.

"Magkasama sila ni Pia?!" Sabay na tanong namin ni Alex.

********************************************************

| KELLY'S POV |

Nagising na lang ako na nasa kama na ako. Nasa kwarto na ako at maliwanag sa bintana. Ni hindi ko maalala kung paano ako nakauwi kagabi... Sobrang magang maga ang mata ko at ang sakit sakit ng ulo ko.

Trinay kong kapain ang cellphone ko sa kama pero wala, kahit sa bedside table ko, wala rin. Na kay mama pa siguro. Paano kung magtext sa akin si Kurt?

Pinilit kong bumangon at isinandal ang ulo ko sa headboard ng kama. Sobrang sama ng pakiramdam ko...Ang sakit sakit ng ulo ko...

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon