Chapter 22 - What Hurts the Most

22.3K 250 39
                                    

Chapter 22 – What Hurts the Most


Jasmine's POV

Last day na namin dito sa Baguio. Pauwi na kami… mamaya hehe. Mamaya pa konti. After lunch na daw kami aalis kaya naman maaga kaming gumising at sinulit ang last stay sa Baguio. Sinulit namin ang lamig at fresh air dito kasi pagbalik namin sa Manila siguradong masu-suffocate nanaman kami sa pollution.

Inaalala niyo ba si Parekoy? Si Kai? Kung tinulungan ko ba siya?

Well…

……

…..

….

..

.

Hindi MWAHAHAHA!

Ang mean ko ba? Hehe sorry ayoko talaga eh. Pag sinabing ayoko, ayoko! Masakit kaya yung pinapagawa niya sakin. Bakit masakit? Ewan!

Aiish! Enough with that nakakalitong thingy na nga. Bahala na basta okay na yun. Tama nab aka atakihin pa ako ng konsesya ko. Hindi na nga ako ulit kinontak ni Parekoy simula nun eh TT.TT

Kakagaling lang namin sa isang souvenir shop. Didiretso na sana kami sa isang restaurant pero bigla naming nakasalubong si Parekoy. Nakatingin siya saakin na para bang ako talaga ang pakay niya.

Natigilan ako sa paglalakad, so as my friends. Tumingin sila saakin tapos sa direksyon ng mga mata ko, kay Parekoy tapos saakin ulit.

“Ah, Jas mauna nalang kami ah”-Rhen

At umalis na sila. Iniwan nila ako. TT.TT

“H-Hello Parekoy.”

“Jasmine!” Lumapit siya sakin tapos inilagay ang dalawang kamay sa mga balikat ko. Napakaseryoso ng mukha niya. “Na-miss kita! ^___________^” Tapos nagkaroon ng napakalaking ngiti sa mukha niya.

Nadala ako sa ngiti niya kaya naman ngumiti din ako ng malapad.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin.

“Parekoy tagal kitang di nakita! Di tayo nakapag-bonding dito sa Baguio.”-Kai

“OA mo ah, para ilang araw lang eh”

“Kahit na, namiss kita eh. Na-miss mo din ba ako?”

“H-ha? O-oo naman!”

“Bakit parang hindi ka sigurado?”

“Hehe eto naman… nautal lang ng onti eh… Na-miss kaya kita Parekoy! Soooobra!”

“Talaga?”

Kumalas ako sa pagkakayakap niya, bumilis kasi ang tibok ng puso ko baka mapansin niya. Problema pa.

“Mmm! Na-miss kita” sabi ko

“Parekoy may sasabihin ako.”

“Ano yun?”

Nagkaroon ng napakalapad na ngiti sa mukha niya.

Bakit bigla akong kinabahan?

“Parekoy kami na ni Sam!” sobrang saya na sabi niya sakin

*STAB*

*STAB*

May nasaksak.

May nabasag.

Nadudurog.

My Bestfriend's Boyfriend [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon