Paalala po lamang, lahat po ng babanggitin ko tungkol sa Splash Island ay pawang ka-tripan lang LOL Kasi hindi naman po ako sigurado sa kung anu man ang meron dun eh. Hindi pa kasi ako nags-swimming dun. Di keri ng schedule ko LOL
~~~Chapter 27 – Splash!
"WAAAHHH!!! Kai maawa ka! Ayoko!"
"Wag ka matakot andito lang ako"
SHET ano ba ang dapat kong maramdaman? Safety o Kilig? POTEK!
Eto ako ngayon nakaupo sa dulo ng slide, one wrong move at ako'y dudulas na.
"Sige na Jas maraming nakapila oh"
"AYOKO Parekoy! WAAAAAHHH!"
Tinulak niya ako! >o<
"AAAAHHHHH" Sigaw ko
Sobrang haba ng slide kaya medyo matagal akong darating. Lumingon ako at nakita ko si Kai, nasa katabing slide ko siya, enjoy sa slide, pero nauuna parin ako. Mauuna akong lulubog. Mauuna akong mamamatay TT.TT
"KAAAAIII!!!!"
*SPLAAASSSH!*
At ako'y bumagsak sa tubig.
*Blok blok blok*
Malalim ang narating ko sa dahil sa lakas ng impak ng speed ko sa slide. Ramdam ko naman na unti-unti akong umiibabaw at nasa ibabaw na ako. Para akong tutang pumapadyak-padyak para lumutang lang ako. Pero lulubog lilitaw ako.
"Ka—"
Hindi ako makapagsalita.
Lubog
Litaw
Lubog
Litaw
Maya-maya pa'y may naramdaman akong humawak sa waist ko at hinapit ako palapit sakanya. Hindi ko siya kilala basta ang importante nasa ibabaw na rin ako sa wakas. Pero dahil sa pagpapanic ako, sipa parin ako ng sipa para manatili sa ibabaw. Nasisipa ko na nga yata siya eh. Parang inaakyat ko na nga yata siya eh.
"Ah sht" rinig kong sabi niya
Bigla niya akong binitawan at ako'y lumubog ulit.
*blok blok blok*
Hinawakan niya ang kamay ko at lumangoy siya. Wala na akong hangin. I need oxygen hindi ako makahinga.
Maya-maya pa'y naramdaman kong huminto siya sa paglangoy. Hinawakan niya ulit ako sa waist at hinila palapit sakanya.
*cough cough*
Naubo ako ng makaahon na ako. Ang daming lumabas na tubig sa bibig ko. Naramdaman ko yung isang kamay ng sumagip sakin sa mukha ko. Tinatanggal niya ang mga buhok na gumugulo sa mukha ko tapos hinawakan niya ako sa pisngi.
"Jas okay ka lang?"
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Kai.
"Kai~" At tumulo na ang luha ko.
"Ssshhh wag na umiyak andito lang ako"
Pinunas niya ang luha ko. Alam niyang umiiyak ako?
"Waaahhh!! Kai! Waaahhh!!"
"Ssshhh... Tahan na"
Naramdaman kong humigpit ang kapit niya sakin at idinikit pa ako lalo sakanya.
"Kai! Kainis ka! May balak ka ba talagang patayin ako ha? Lulunurin mo pa ako eh! Waaahhh!!!"
"Ssshhh"
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Boyfriend [EXO]
FanficEXO Fan Fiction (Filipino/Tagalog) One of the most read Filipino stories in 2013 (accdg to Wattpad po) Jasmine Lee is a simple (and naive) girl who loves K-pop then becomes friends with some K-pop looking and K-pop worthy guys. Discover her past, pr...