Chapter 10 - Biking with Parekoy
Jasmine's POV
I woke up early today. I don't know why. Maybe because I already had enough sleep. Masakit na rin ang katawan ko sa kakahiga kaya bumangon na ako. Nakita ko ang oras,
"5 am pa?"
Nagbilang ako sa daliri ko.
"Oo nga, 8 hours na din yung tulog ko."
May idea na pumasok sa isip ko kaya naman nagbihis na ako at nag-prepare. Pumunta ako sa kwarto ni Faye.
"Faye? Faye? Faye. Gising na. Samahan mo ako~ Sige na~ Biking tayo~"
"..."
"uiii..."
"..."
"Tss... Eh batugan 'to eh."
Lumabas ako at pumunta sa kwarto ni Min Yoon. Wala na akong balak gisingin si Dan, ayoko rin siyang kasama mag-biking kung walang ibang sasama saamin.
"Min Yoon-ah~ Annyeong! Ohayo! Ireona! Biking tayo~"
"Hmmm???"
Tumalikod siya saakin. Aalugin ko na sana ulit siya kaso nakita kong may tagos siya.
Okay. Meron siya kaya hindi yan sasama. Sobra pa naman 'to magka-dysmi.
No choice ako kaya magba-biking akong mag-isa.
Bumaba na ako at lumabas. Kinuha ko na ang bike ko at naglakad palabas ng gate. Naalala kong wala pala akong tubig. Akmang babalik na ako para buksan ang gate ng biglang may bumatok sa ulo ko ng mahina.
"Aray! Sino ba yan?!"
Lumingon at nakita ko ang isang naka-smirk na Kai.
"Parekoy?!"
"Bakit ka magba-bike? Hindi ka pa magaling."
"Eh ano naman ngayon?"
"Ano ngayon? Papagurin mo lang ako sa kakagamot niyang sugat mo at ng magiging sugat mo pagkatapos mo mag biking."
"Yun ay kung hindi ka titingin sa dinadaanan mo at babanggain mo ako ulit." Sabi ko ng mapansin kong magba-biking din siya.
"Tch. Oo na. Tara sasamahan na kita."
"Teka wala akong tubig."
"Meron ako, makiinom ka nalang."
"Wag na, kukuha nalang ako."
"Halika ka na~"
Wala na akong magawa kasi hinila na niya ako.
Nagbiking na kami. Normal speed lang, nagku-kwentuhan kasi kami.
Yung kwentuhan namin nauwi sa lokohan at kulitan. Sinisubukan kong tumbahin siya. Sinisipa ko ang bike niya para matumba siya pero hindi eh, nagagawa parin niyang mag-balance. Siyempre kasi mahina lang din yung sipa ko kasi pag nilaksan ko matutumba rin ako haha.
Makailang ulit ko rin ginawa yun, hindi naman siya makaganti kasi baka masugatan nanaman ako haha. Kaya nauna nalang siya. He kept distance from me. Akala niya siguro hindi ko siya magugulo pag nauna siya? *evil laugh*
I advanced my bike near him. Binangga ko ang gulong niya sa likod. Naapektuhan ako kahit papano pero mas may apekto sakanya kasi nagulat siya hahaha! *evil laugh*
"Jas! Ang kulit mo ah!"
"Hahaha! Bleh!"
Huminto siya. Huminto rin ako.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Boyfriend [EXO]
FanficEXO Fan Fiction (Filipino/Tagalog) One of the most read Filipino stories in 2013 (accdg to Wattpad po) Jasmine Lee is a simple (and naive) girl who loves K-pop then becomes friends with some K-pop looking and K-pop worthy guys. Discover her past, pr...