Chapter 34 - Toothbrush

21.3K 282 27
                                    

Ayah's Note:

Hola!

Happy Birthday to Twitter King of UKISS Lee Kiseop! 

♥__♥

•˚•˛•˚ * 。•˚˚˛˚˛•。* •˚。•˚★* 。•˚˚˛˚˛••。。* •˚。

Chapter 34 – Toothbrush

Jasmine’s POV

“Jas sino ang first kiss mo?”

Nagulat ako nang bigla akong tanungin ako ni Parekoy. Hindi ko inaasahan yung tanong. Pero lagi namang handa ang sagot ko.

“Wala pa” sagot ko

Wala pa kasi wala naman talaga. Wala naman akong maalala na may nakahalik na lips ko eh. Wala akong maalala na may labi na ng lalaki ang nakadampi sa labi ko. Sa panaginip ko siguro meron pero in reality? Wala.

Sa panaginip ko naman madalas yung ganun hahaha. Kasama ko siyempre mga boypren ko. Oo sila ang kahalikan ko. Ayiiie! Landi! Iniisip ko kasi sila bago matulog kaya ganun mga dreams ko bwahahaha!

Isang beses lang nangyari na hindi ko boypren ang nakahalik sakin sa panaginip ko eh, yun yung taong hindi ko alam kong sino pero alam kong kilala ko siya, alam kong magkakilala kami.

Yun yung araw na nakita ako ni Kai na naka-bra lang. Yung nagbubunot ako ng buhok sa kilikili. Tapos sabi niya pa nag-sleeptalk daw ako na gusto ko siya halikan.

Yun lang. Pagtapos nun wala nang iba. Wala na akong maalala.

“Bakit mo natanong?” tanong ko sakanya

“Wala naman. Baka kasi may boyfriend ka na hindi mo lang sinasabi sakin.”

“FYI marami po akong boyfriend and kilala mo sila.”

“Okay… -_-”

“Kai bitaw na nga inaantok na ako.”

“Matulog ka na”

“Hindi pwede, di pa ako naghihilamos at nagtu-toothbrush. Tsaka hindi ka pa umuuwi.”

“Dito na ako matutulog pwede?”

“Hindi”

“Wala kang magagawa dito ko gusto.”

“EHH??!!”

“Sige na mag-toothbrush ka na dun.”

Binitiwan na niya ako. Bumangon na ako, bumangon din siya.

Aalis na siguro siya.

Pumunta na ako sa banyo.

Pumunta din siya.

Humarap ako sa salamin.

Humarap din siya.

Anong trip nito?

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko

“Kung ano ang gagawin mo dito. ^____^”

“Adik!”

Hindi ko na siya pinansin. Di ko siya maintindihan eh! >.<

Kinuha ko na ang toothbrush ko at nilagyan ng toothpaste. Nagmugmog na rin ako. Nagmugmog din si Kai.

Ano ba talaga ang trip niya?

My Bestfriend's Boyfriend [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon