Chapter 23 - Traydor

22.1K 242 10
                                    

Chapter 23 – Traydor


Jasmine's POV

Pag-uwi ko sa bahay, kasama ko si Sammy. Dito muna siya matutulog sa bahay kasi malayo pa ang kanila.

Pumasok na kami ni Sammy sa kwarto ko. Pinipilit ko talaga itago ang sakit na nararamdaman ko. Buti nalang magaling din ako mag-pokerface kaya hindi rin talaga nahalata ni Sam.

Pinauna na niya akong maligo kaya naman ngayon nasa loob na ako ng CR. Tapos na akong mag-shower pero nasa loob parin ako. Nakaharap sa salamin.

Gusto ko ba talaga si Kai? Higit pa sa crush? Bakit kailangan ako makaramdam ng ganun kanina nung sinabi ni Kai na sila na?

In love ba talaga ako?

Ganun ko ba siya kagusto? To the extent na hihimatyin na ako sa paninikip ng dibdib ko? Sa sakit ng puso ko?

Naninikip nanaman ang dibdib ko. Naalala ko kung gaano kasaya si Parekoy nung sabihin niya sakin ang balitang yun. Masaya nga siguro talaga siya kay Samantha.

Naalala ko rin kung paano siya ngumiti pag kaharap niya si Sam. Parang ang saya saya niya. Mahal niya nga siguro talaga si Sammy.

Bago ko mapigilan ay tumulo na ang luha ko. Pinunas ko pero patuloy parin sa pagdami. Parang useless ang pagpunas na ginagawa ko. Sa tuwing pupunasan ko kasi dodoble naman ang susunod.

Ang sakit sakit ng puso ko.

Unti-unti naman nababawasan ang sakit sa dibdib ko nung iiyak ko na. Sumasabay ang ilan sa sama ng loob ko sa mga luhang pumapatak sa mga mata ko.

Humahagulgol na ako.

“Jas! Jas okay ka lang ba jan?” naririnig ko si Sammy. Paulit ulit siyang kumakatok.

“Jas umiiyak ka ba? Bubuksan ko na ‘to.”

At bumukas na ang pinto.

“Jas!”

Tumakbo saakin si Sam at inalalayan akong tumayo. Hindi ko na namalayan nakaupo na pala ako at nakakapit sa dibdib ko.

“Jas may masakit ba sayo? Okay ka lang? Anong masakit Jas? Bakit ka umiiyak?”

Niyakap ko nalang siya at umiyak sa balikat niya.

***

Makalipas ang ilang minutong dramahan, nakapagbihis narin ako. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Si Sammy na ang naliligo ngayon. Dinig ko pa siyang kumakanta-kanta. Siguro nasayaw din yun. Happy siya eh. Napatawa na rin niya ako kaya medyo happy na rin ako. Medyo lang masakit parin eh.

May kumatok sa pinto kaya naman pinagbuksan ko.

O.O

“P-Parekoy?”

“Bakit gulat na gulat ka ata?”

“Huh? Ah eh kasi hindi ko inaasahang darating ka. Si Sammy ba? Nasa CR pa siya eh.”

“Hindi si Sammy ang ipinunta ko.”

“Eh sino?”

“Ikaw.”

“Ako? 0_0?”

“Opo. Gatas mo oh. Hindi mo ba ako papasukin?” Inabot niya sakin ang isang baso ng gatas na dala niya

“Aah eh sige pasok ka.”

Pinapasok ko siya. Umupo siya sa kama ko.

“Inomin mo na yan bago pa lumamig”

My Bestfriend's Boyfriend [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon